COVID-19 vaccination strategies, inihahanda ng Batangas City government

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Inihahanda na ng pamahalaang lungsod ang mga bagong stratehiya upang mahikayat ang mga mamamayan nito na magpabakuna ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay City Health OIfficer Dr. Rosanna Barrion, kailangang makumbinsi ang mga Batangueno partikular ang mga kabilang sa A2 priority group o ang mga senior citizens na kumpletuhin ang bakuna hanggang booster shot.

Sa pagpupulong ng Local Health Board noong March 22, iniulat niya na sa datos ng City Health Office (CHO) as of March 21, ay 114 o 24% ng kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 ay nasa 61-70 taong gulang, samantalang may 101 ay 70-81 taong gulang.

Sinabi rin ni Dr. Barrion na isinasagawa na rin ng CHO ang pagbabakuna sa mga barangay.


Sa utos ni Mayor Beverley Dimacuha ay pinag-aaralan din ng CHO ang iba pang paraan upang mahikayat ang mga residente ng lungsod na kumpletuhin ang bakuna laban sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, nagbibigay si Mayor ng kiddie meal na spaghetti, fried chicken at ice cream para sa 5-11 years old na nagpapabakuna. (PIO Batangas City).