Talent Development Workshop, isinagawa

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Isang Talent Development Workshop ang isinagawa ng Department of Information and Communication Technology (DICT) katuwang ang Batangas City ICT Business Council noong June 15 sa Hotel Pontefino. Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga unibersidad sa lungsod at mga kawani mula sa ibat-ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Layunin ng workshop na mapaigting ang pagtutulungan ng mga nabanggit na participants sa pagsusulong ng digital cities program sa lungsod na naglalayong makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Batangueno. Ang Batangas City ay isa sa digital cities sa bansa.

Iprenesenta sa workshop ang Digital City Roadmap sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation. Nakapaloob naman sa Niche Identification Workshop ni Digital Cities Consultant Jomari Mercado ang presentation ukol sa Philippine Information Technology (IT)-Business Process Management (BPO) Industry Trends, Countryside Development at ang mga skill requirements para dito. Kabilang dito ang learning ability, english proficiency, computer literacy, communication skills at iba pa. Katulong din sa pagtataguyod ng nabanggit na gawain ang Task Us na isang BPO company na nagbahagi ng kanilang hiring experiences. Binigyang diin nila na ang poor communication skills ng mga aplikante ang hadlang upang matanggap ang mga ito sa trabaho. Kaugnay nito, ay nagbigay ang mga participants ng workshop ng mga suhestyon para mapabuti ang communication skills ng mga estudyante bukod sa mga programang ipinatutupad ng mga academic institutions. (PIO Batangas City)