- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Colegio ng Lungsod ng Batangas, nagdaos ng 15th Commencement Exercises
- Details
- Friday, 29 July 2022 - 4:20:14 PM
Dalawa ang cum laude sa idinaos na 15th commencement exercises ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) sa Batangas City Coliseum kung saan may 183 city government scholars ang nagtapos ngayong araw, July 29. Sila ay sina Rishel Mendoza na nagtapos ng Bachelor in Elementary Education at si Juvielyn Lacdao na kumuha naman ng Bachelor of Science in Business Administration.
Sa kanyang farewell address, ibinahagi ni Mendoza ang paghihirap na kanyang naranasan sa pagiging working student at ang mga struggles na kanyang nalampasan upang makapagtapos sa pag-aaral. “Sa CLB, may katuparan ang pangarap,” sabi ni Rishel. Nagpaabot siya ng taos pusong pasasalamat kay dating Mayor Eduardo Dimacuha na siyang nagtatag ng CLB upang mabigyan ng pagkakataong makatapos sa pag-aaral ang mga kapuspalad subalit karapatdapat na mga mag-aaral ng lungsod.
Naging commencement speaker si Dr Rene Colocar, ang President ng Marikina Polythechnic College at ng Association of Local Colleges and Universities – Phils. Ayon sa kanya, ang naturang pagtatapos ay simula pa lamang ng bagong chapter ng buhay ng mga graduates. Binigyang diin niya na ang “victory at milestone” na narating ng mga nagsipagtapos ay dahil sa kanilang mga magulang. Hinamon din niya ang mga ito bilang unang batch ng K-12 graduates na gamitin ang kanilang mga natutunan upang magtagumpay sa buhay.
Ang paggawad ng certificates sa mga nagsipagtapos ay ginampanan ni CLB College Administrator Dr. Lorna Gappi. Naggawad din ang nabanggit na paaralan ng Academic at Non-academic awards. Pinangunahan ni Lacdao ang pledge of loyalty.
Nakiisa sa nasabing okasyon si Congressman Marvey Mariño bilang kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha. Tema ng pagtatapos ay “CLB: At the Forefront of Transforming Educational Landscape”. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.