- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
SIMEX on crisis management, matagumpay na naisagawa
- Details
- Monday, 01 August 2022 - 4:51:54 PM
Naging matagumpay ang Crisis Management Simulation Exercises (SIMEX) na isinagawa ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) noong July 29 sa bypass road sa barangay Dumantay. Multiple incidents ang scenario ng SIMEX kung saan kabilang dito ang hijacking, hostage taking, oil leak at car and motorcycle accidents.
May isang nasawi at 14 ang nasugatan sa naturang insidente. Tumayong Incident Commander (IC) si City PNP Chief, PLTCol Salvador Solana, Operations Section Chief si PMAJ Erickson Go at Deputy Commander naman si Fire Marshall CINSP Benjamin Caca. Naging observers sina Office of the Civil Defense (OCD) Region IV-A Director Maria Theresa Escolano, OCD Reg.IV-A Training Officer Randy Dela Paz, Police Community Relations Chief- PLTCol Ruelito Fronda at Provincial DRRM Officer, Joselito Castro.
Pinuri ng mga observers ang suporta at kooperasyon ni Mayor Beverley Dimacuha na nagbigay ng instruction kay IC Solana sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono. Maigting ang bilin ni Mayor na tiyakin ang kaligtasan ng lahat maging ng hostage taker. Nakita rin nila ang mabilis na pagbubuo ng Incident Management System (ICS) at ang agarang pagresponde ng lahat ng konsernadong ahensya kabilang ang Barangay DRRMC. Kabilang dito ang mabilis at maayos na pamamahala ng trapiko, seguridad, pag-apula sa apoy, hostage negotiation, emergency medical response, at pagsasagawa ng psychological debriefing sa mga biktima.
Pinuri din nila ang Federation ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) na sa lungsod pa lamang may buo at organisadong samahan. Ang naturang simulation exercises ay bahagi ng pagsasagawa ng National Disaster Resilience Month 2022 na may temang “Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa Tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan”.
Tumanggap ng plaque of appreciation ang Batangas City DRRMC mula sa OCD- Regional DRRMC, CALABARZON dahil sa suporta at kooperasyon nito sa pagtataguyod ng National Resilience Month. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.