TINGNI: Patuloy ang pagdagsa ng mga local tourists sa Batangas City Mangrove Conservation Eco-Park

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 326275838_1975010802849705_818960358708913232_n.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Patuloy ang pagdagsa ng mga local tourists sa Batangas City Mangrove Conservation Eco-Park sa barangay Malitam mula ng buksan ito noong Oktubre ng nakaraang taon.
Ito ay pinagdausan ng mga coastal clean-up drives, naging benchmarking site ng mga taga ibang lungsod/bayan at napiling lokasyon para sa mga photoshoots ng Miss PICPA Southern Tagalog at Bb Lungsod ng Batangas.
Ilang wedding pre-nup shoots na din ang isinagawa sa nabanggit na eco-tourism site.
Libre at walang bayad ang pagpasok at pamamasyal dito.
Ito ay isa sa mga proyekto ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) na naglalayong mapangalagaan ang kalikasan.
Kung kayat pinapaalalahanan na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga pet bottles, iba't ibang uri ng plastiks at anumang klase ng basura na makakapagpadumi sa loob at paligid ng ecopark.
Sa mga nagnanais magsagawa ng photoshoot o pictorial dito, makipag-ugnayan lamang sa City ENRO sa 723-8844.