TINGNI: Nagsimula nang magsanay ang 17 residente ng lungsod na nag-aaplay upang maging mga seasonal farm workers sa South Korea

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

TINGNI: Nagsimula nang magsanay ang 17 residente ng lungsod na nag-aaplay upang maging mga seasonal farm workers sa South Korea sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist at ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO).

Kailangan nilang sumailalim sa 40 hours na basic farming training upang makausad sa final screening.
Kaugnay nito, tinuruan sila ni Senior Agriculturist Albert Serquiña ng Crops Production Division ng OCVAS ng kaalaman sa seed sowing, land preparation, fertilization gayundin ang harvesting at pagbabalag.

Ang limang araw na pagsasanay ay magtatapos sa ika-22 ng Enero.