- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City BRAD - Black Rising Aero Dynamic Marlins Swim Team, inilunsad
- Details
- Thursday, 10 August 2023 - 10:10:00 AM
Inilunsad ngayong araw ang Batangas City BRAD - Black Rising Aero Dynamic Marlins Swim Team na binubuo ng 40 kabataan sa lungsod.
Ang mga ito ay mula sa anim na swimming teams sa Batangas City kasama ang 11 kabataang Badjao.
Dumaan sila sa try outs at selection process upang maging bahagi ng kauna-unahang swimming team ng lungsod.
Ayon kay Batangas City Sports Council head Guilbert Alea, layunin ng pamahalaang lungsod na pagsama-samahin ang mga magagaling at may mga potensyal na swimmers na syang ilalahok sa mga swimming events sa Pilipinas gayundin sa ibang bansa.
Ang pagkakaroon ng iisang swim team aniya ay isa sa mga adhikain nina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Marino
Inihalintulad naman ni Executive Assistant Serge Atienza sa isdang marlin ang bagong koponan dahil ito ang itinuturing na pinakamabilis na isda sa buong mundo bukod sa malakas at matibay ito sa paglangoy.
Ilan lamang aniya ang mga ito sa characteristics ng nabanggit na isda na dapat mangibabaw sa mga swimmers kung gusto nilang magtagumpay sa bawat torneo na kanilang lalahukan.
Pinuri naman ni Mayor Dimacuha ang mga magulang sa suportang ipinapakita ng mga ito sa kanilang mga anak.
Pinaalalahanan din nya ang bawat manlalaro na dapat isabuhay ang pagiging Batangenyo sa bawat lugar na kanilang pinupuntahan.
Dapat aniyang maging magalang sa katunggali at isaisip na ang pagkatalo ay bahagi ng buhay na dapat harapin at tanggapin.
Ayon kay Batangas City swim team coach Fritz Gomez, nakatakdang sumali ang grupo sa 2nd Susan Papa Swim Cup sa August 15 sa Paco, Manila.
Lalahukan aniya ito ng magagaling na swimmers sa buong Pilipinas kung saan target ng Black Marlins na makakuha ng mga medalya.
Samantala, bukod sa complete set ng swimming uniform, ang pamahalaang lungsod din ang sumagot sa entry fee ng bawat players gayundin sa kanilang travel at food allowance. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.