TINGNI: Ibat-ibang paligsahan ang isinagawa ng City Health Office (CHO) sa paggunita sa National Lung Month

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Ibat-ibang paligsahan ang isinagawa ng City Health Office (CHO) sa paggunita sa National Lung Month ngayong buwan ng Agosto.
Itinatakda ng Proclamation No. 1761, s. 1978 ang buwan ng Agosto bilang National Lung Month upang maitaas ang antas ng kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa pulmonary conditions at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na baga.

Tema ng pagunita ngayong taon ay “Hingang Ginhawa,Kapag Healthy Lungs ang Buong Pamilya”.

Nagdaos ang CHO ng Draw and Tell contest para sa mga batang pito hanggang siyam na taong gulang at pagbigkas ng tula sa mga batang edad apat hanggang pito mula sa ibat-ibang Rural Health Unit (RHU) sa lungsod sa Waltermart noong August 22.

Ito ay may temang "Bata Bata malusog na baga”.

Bukod sa parlor games at raffle, nagkaroon din ng lecture on prevention, diagnosis at treatment ng Tuberculosis (TB) sa mga inimbitahang TB patients at household contacts mula sa ibat-ibang barangay.