TINGNI: May 23 magsasaka mula sa barangay Tabangao Ambulong ang nagtapos sa Kabalikat sa Kabuhayan on Sustainable Agriculture Program (KSK SAP)

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: May 23 magsasaka mula sa barangay Tabangao Ambulong ang nagtapos sa Kabalikat sa Kabuhayan on Sustainable Agriculture Program (KSK SAP) ng SM Foundation Inc. (SMFI), August 23.

Ang mga ito ay sumailalim sa 14 na linggong pagsasanay kung saan tinuruan sila ng organikong paraan ng pagtatanim at pagsasaka, kaalaman sa pinakabagong teknolohiya sa agrikultura gayundin ang pagbebenta ng kanilang mga produkto.

Ang KSK-SAP ay nagsimula noong taong 2007 sa hangarin ni SMFI Founder Henry “Tatang”Sy Sr na magkaroon ng sustainable program na makakatulong upang maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga magsasaka sa bansa.

Bukod sa Department of Trade and Industry (DTI) at City Social Welfare and Development (CSWD) na syang nangasiwa sa pagpili ng beneficiaries, naging katuwang ng SMFI sa naturang programa ang Moca Family Farm Learning Center Inc na syang nagkaloob ng kasanayan.

Ang mga nagsipagtapos ay tumanggap ng National Certificate (NC) II sa Organic Agriculture Production mula sa TESDA na katibayan na sila ay certified TESDA passer at qualified sa mga trabaho na papasukan sa Pilipinas man o sa abroad.

Highlight din ng nabanggit na programa ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga ito na makilahok sa SM Sunday Market upang maibenta ang kanilang mga aning produkto.

Nagpaabot ng pagbati sa mga graduates at pasasalamat sa pamahalaang lungsod partikular sa City Agriculture Office (CAO) si SM City Batangas Mall Manager Gemina Buenaflor sa suportang ipinagkaloob nito sa implementasyon ng nasabing programa.

Lubos ang pasasalamat ng mga graduates sa karagdagang kaalaman na kanilang natutunan at sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanila ng SMFI.
Nangako ang naturang samahan na magtatanim ng de-kalidad na mga prutas at gulay kaalinsabay ng pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan at pangangalaga sa kalikasan.

Nakiisa din sa nasabing okasyon sina CAO Senior Agriculturist Albert Serquiña at SM Supermarket Store Manager Bernadette Galay. (PIO Batangas City)