Multi-purposed Covered Court

news-65-01.jpg news-65-02.jpg

Pinangunahan nina Bokal Marvey Marino, mayoral candidate Beverley Dimacuha, ilang mga city councilors at barangay officials ang inagurasyon ng multi- purpose covered court na ipinagawa ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa Barangay Tabangao Dao. Ayon kay Pangulong Vic Kabatay, marami ang pwede nilang paggamitan sa proyektong ito hindi lamang bilang isang basketball court. Pwede rin aniya itong gamiting evacuation center sa panahon ng kalamidad. (PIO Batangas City)

 

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.