EBD Program

news-61-01.jpg news-61-02.jpg news-61-03.jpg news-61-04.jpg

Mainit na tinanggap ni Secretary to the City Mayor Reginald Dimacuha ang delegasyon mula sa Mabolo, Naga City na bumisita sa Batangas City noong ika-28 ng Abril upang mag lakbay aral.

Sa isang maikling orientation program ay ipinaalam ni Atty Dimacuha ang ilan sa mahahalagang impormasyon ukol sa Batangas City sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation. Ipinabatid din niya ang mga ipinagmamalaking programa ng lungsod tulad ng EBD Healthcard program, scholarship, livelihood, infrastructure projects, tourism, social services at ang business permits and licensing system na dinarayo at kinokopya ng ibat-ibang bayan at lalawigan.

Ayon kay Barangay Captain Magno Reyes, pinuno ng delegasyon, nais nilang tularan ang Batangas City sa mga proyekto at programa nitong ipinatutupad sa pangangalaga sa kalikasan. Hangad din aniya na magkaroon sila ng batas tulad ng Environmental Code ng lungsod.

Binigyang diin ni Dimacuha ang kahalagahan ng pagmamahal sa kapaligiran at pagkakaroon ng political will sa pagpapatupad ng batas tungkol dito.
Binisita din ng delegasyon na binubuo ng 12 katao ang Environment Office, Museo Puntong Batangan, City Council for Youth Affairs, City Social Welfare and Development Office at ang OCVAS. (PIO Batangas City)

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.