- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Opisyales ng Batangas Press Club
- Details
- Tuesday, 26 April 2016 - 12:00:00 AM
Pormal na nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyales ng Batangas Press Club (BPC) sa harap ni Atty. Mikko Paolo Perez na nagsilbing Inducting Officer noong April 25 sa Max’s Restaurant.
Nahirang na Pangulo ng samahan ang Editor at Publisher ng Pahayagang Balikas na si Joenald Rayos. Nahalal namang Pangalawang Pangulo si Rogelio Fabie ng DWAL-FM, Ronna Endaya Contreras ng PIO Batangas City bilang Secretary, Liza De Los Reyes ng PIO Batangas City bilang Treasurer at Melinda Landicho ng Balikas bilang Auditor. Kabilang naman sa Board of Trustees sina Edwin Zabarte (Provincial PIO), Norberto Maligaya (Dyaryo Balisong), Jojo Ceniza (Dyaryo Veritas), Maroe Genosa (Sunstar People’s Courier), Jerson Sanchez (City PIO) at si Vicky Aclan Florendo (Ex-Officio Member) Editor ng Sunstar People’s Courier.
Ang eleksyon ay ginanap sa General Assembly ng grupo sa Butch’s Restaurant noong April 12.
Kasunod ng oathtaking at induction ceremony ay nanumpa naman kay Rayos ang mga bagong myembro ng grupo.
Bago ang halalan, nag-ulat si Rayos na tumayong Acting President ng BPC sa mga naging proyekto ng grupo sa nakalipas na taon tulad ng mga seminars at training na naglalayong mapaunlad ang kakayanan ng mga myembro.
Bagamat on leave, ipinaabot naman ni Florendo ang kanyang taos pusong pasasalamat sa mga ka grupo at tinagubilinan na ipagpatuloy ang pagiging mga responsableng mga mamamahayag at patuloy na pangalagaan ang dignidad.
Dumalo at nakiisa sa naturang okasyon sina Community Liaison Officer for Downstream Edwin Reyes at External Relations Manager for Manufacturing ng Shell Darlito Guamos ng Pilipinas Shell at Batangas Lion’s Club President Alex Yap na nagsilbing partners ng BPC sa ibat-ibang proyekto nito.
Ayon sa kanilang mensahe, inaasahan nilang mas marami pang taon ang pagsasamahan bilang katuwang ng kanilang tanggapan at samahan ang BPC sa paglilingkod at pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga tao sa komunidad.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.