- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
NUCITI, Most Eco-Friendly Commercial Establishment
- Details
- Tuesday, 26 April 2016 - 12:00:00 AM
BATANGAS CITY-Nanalo ang NUCITI Central Properties and Development Corporation sa Search for Most Eco-Friendly Commercial Establisment na magkasamang proyekto ng City Environment and Natural Resources Office(ENRO) at ng Metro Batangas Business Club sa awarding ceremony sa Pontefino Hotel noong April 22.
Ang naturang patimpalak ay inilunsad noong October 19, 2015 sa layuning mapalakas ang kontribusyon ng mga commercial establishments sa mga gawaing pangkapaligiran ng Batangas City bilang isang Green City. Isang Monitoring Team ang tumutok sa mga kalahok na malls at supermarkets sa loob ng limang buwan. Ang Board of Judges ay binuo ng mga kinatawan ng public at private sectors.
Ang pagpili ng mga winners ay ibinase sa mga sumusunod na criteria: energy efficiency, water conservation and protection, waste management, greening initiatives, at employees’ participation/awareness on environment and sanitation practices.
Ipinakita ng NUCITI ang pagiging energy- efficient sa pamamagitan ng paggamit ng natural lighting dahilan sa ito ay gawa sa bubog. Lahat ng mga ilaw nito ay LED at pinapatay ang mga ilaw pag hindi na kailangan bilang energy conservation measures. Upang maipatupad ang water conservation and protection measures, laging nagsasagawa ng maintenance work upang maiwasan o magawa agad ang mga gripo o tubong may leak at mayroon itong sewerage treatment plant para sa recycling ng waste water.
Nagpapatupad din ito ng waste segregation sa lahat ng mga tenants kung saan may apat na garbage cans para sa mga basurang nabubulok, hindi nabubulok, recyclable at special wastes. Ang mga basurang ito ay kinukuha ng isang collector at dinadala sa Materials Recovery Facility o MRF nito . Mayroon din itong private hauler na kumukolekta ng mga basura nito. Nagsumite rin ang NUCITI sa ENRO ng Waste Anaylysis and Characterization Survey(WACS) nito.
Pinapaganda naman ang nasabing commercial establishment ng mga indoor plants at well-maintained vertical garden nito.
Ang mga empleyado naman ay sumasailalim ng education upang ma practice nila ang mga environmental activities ng NUCITI kabilang na dito ang kalinisan at kaayusan.
Nanalo ang NUCITI ng cash prize na P50,000 at trophy. Second ang SM Hypermarket na nanalo ng P30,000 at trophy habang third ang Bay City Mall na tumanggap ng P20,000 at trophy.
Namigay din ng mga special awards na sumusunod: The Most Improved Material Recovery Facility-Pic ‘N Save; Best in Water Conservation and Protection Facility- Puregold Calicanto Branch; Best in Energy Conservation Awareness Campaign- Budget Lane Sulit Market; Greening Initiative Award-NUCITI; Best in Practicing Personal Hygiene- Batangas Citimart Shop-On; Most Cooperative Commercial Establishment- Excel Tom Properties, Inc.; at Best in Awareness Campaign for Employees and Tenants- Bay City Mall. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.