- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
'Handog Titulo ni Mayor Eddie para sa mga Batangeuno'
- Details
- Monday, 25 April 2016 - 12:00:00 AM
47 lot owners nakinabang sa 'Handog Titulo ni Mayor Eddie para sa mga Batangeuno' BATANGAS CITY-May 47 titulo ng lupa ang libreng ini award ng City Environment and Natural Resources Office(ENRO) sa pangalawang batch ng mga beneficiaries ng “Handog Titulo ni Mayor Eddie Para sa mga Batangueno”- Public Land Titling and Survey Program.
Ang nasabing gawain ay ginanap sa Pontenfino Hotel noong April 22 kung saan ginanap din ng City ENRO ang Awarding Ceremony for the Search for the Most Eco-Friendly Business District Establishment in Batangas City at Launching of IMPACT: Pathways to Building Low Emission Division Strategies.
Ang proyektong ito ay alinsunod sa Republic Act No. 10023 o The Act Authorizing the Issuance of Free Patents to Residential Lands para sa mga kwalipikadong Filipinong walang titulo ang pag-aaring lupa. Ito ay nangangahulugan na hindi na kailangang dumaan sa mahaba, mahirap at magastos na court process ang pagpapatitulo ng lupa. Kung inaabot ng halos dalawang taon at gumagastos ng P30,000-P40,000 ang normal na pagproseso ng isang titulo, sa ilalim ng proyektong ito ni Mayor Dimacuha ay aabot lang ng walong buwan – isang taon ang processing period at libre pa. Ang sinumang nagmamay ari ng residential lot na at least ay 10 taon ng inookupa at ang lupa ay walang land registration case sa korte ay kwalipikadong makinabang sa proyektong ito.
Kailangan lamang sa application ay ang plano ng lupa base sa actual survey ng isinagawa ng isang licensed geodetic engineer at aprubado ng DENR. Ito ay sinusumite sa City ENRO na siyang magpoproseso ng application.
Sinabi ni City Environment Officer Oliver Gonzales na “hindi lahat ng local government units ay may ganitong proyekto. Mahalaga kay Mayor Eduardo Dimacuha na maging legal ang pag-aari ng lupa ng mga mamamayan at maging bahagi ito ng kaunlaran ng lungsod.”
Ayon naman kay Secretary to the Mayor Reginald Dimacuha, “ang certificate of title ay pinakamataas na uri ng ebidensya ng pag-aari ng lupa. Pag may titulo ang lupa, mas madaling magagamit kung maghahanap ng pera sapagkat mas madali itong tanggapin ng bangko kung mag lo loan o kailangan ng pera sa negosyo o anumang economic activities.”
Bukod sa awarding ng titulo, may 82 surveyed lots din ang naisagawa. May 22 titulo ang na i award na para sa unang batch ng mga beneficiaries.
Kasama rin sa pagpapatupad ng proyektong ito ay ang Land Management Council na binubuo ng Registry of Deeds, CENRO, City Assessor, City Planning and Development Office, Metro Batangas Business Club, Clerk of Court at Bankers Association.(PIO Batangas City).
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.