Palarong Pambansa 2016

news-57-01.jpg

Nagkamit ng unang pwesto sa elementary basketball ang delegasyon ng CALABARZON sa Palarong Pambansa 2016 na ginanap sa Legazpi City noong ika-4 hanggang ika-16 ng Abril. Kabilang dito si Reden Macaraig ng Alangilan Central School na tumanggap ng gold medal.

Nakakuha naman ng ikalawa at ikatlong pwesto sa athletics ang SPED Student na si Divino Cueto na sya ring kinatawan ng lungsod sa Phillippine Sports Association for the Differently Abled (PHILSPADA) na itinaguyod ng Philippine Sports Commission. Kapwa bronze medalist sina Jhad Macatangay at Jake Ellis Evangelista sa 4x100m free style relay. Tumanggap din ng bronze medal si Evangelista sa 400m free style.

4th placer si Alexandria Burog sa 200m breaststroke at 6th placer sa 100 m breaststroke. May 19 rehiyon ang lumahok sa nabanggit na kompetisyon na isinasagawa taun-taon. Ang Palarong Pambansa ay isang annual multi sporting event para sa mga student-athletes mula sa ibat-ibang rehiyon sa bansa sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Education.

Layunin nito na maipromote ang Physical Education at ang sports bilang integral part ng basic education curriculum, maturuan ng disiplina, teamwork at ng pagiging sport ang mga atleta at makapagdevelop ng mga talento na maaaring mailahok sa mga international competitions.

Ito ang culmination ng sports activities sa mga elementary at secondary students ng mga pampubliko at pribadong paaralan na nagsisimula sa mga school intramurals at susundan ng district, division at regional athletic meets.

Ang mga winners na ito ay kinilala ng pamahalaang lungsod ng Batangas noong ika-25 ng Abril pagkatapos ng flag ceremony sa amphitheatre ng Plaza Mabini. First runner up ang delegasyon ng Region IV A sa overall medal standing sa regular sports sa Palarong Pambansa ngayong taong ito. (PIO Batangas City)

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.