Flores de Mayo at Santacruzan muling ipagdiriwang sa Batangas City

1.jpg 2.jpg 3.jpg

Tatlong araw na Flores de Mayo at Santacruzan na tinaguriang “Alay Pasasalamat kay Maria” ang ipagdiriwang ng pamahalaang lungsod sa Mayo 27-29 sa layuning mapanatiing buhay sa puso at isipan ng mga taga lungsod ang mga tradisyung ito na nagbibigkis sa komunidad sa buwan ng Mayo.

Ang malakas na debosyon sa Birheng Maria ang isang magandang katangian ng mga Filipino at ito ay higit na ipinakikita sa Flores de Mayo kung saan siya ay inaalayan ng bulaklak bilang pagpupugay sa kanya. Ang Santacruzan ay isa sa pinakamakulay na kapistahan sa bansa kung saan ginugunita ang paghahanap at pagkakatagpo sa Banal ng Krus ni Reyna Elena, ina ni Constantine the Great. Matapos matagpuan ang Banal na Krus sa Herusalem at naibalik sa Roma, nagkaroon ng masayang pagdiriwang bilang pasasalamat.
 
Sa Mayo 27, ganap na 5:30 ng hapon, magsisimula ang prusisyon mula sa Tuklong ng unang Hermano at Hermana na sina G. at Gng. Deo at Ruby Fajardo ng Barangay 1 papuntang Plaza Mabini. Magsisimula ang flores sa 6:00 at sa 7:30 ang Pamamaalam at prusisyon papunta sa Tuklong ng sunod na Hermano at Hermana.

Ganito rin ang magaganap sa Mayo 28 kung saan ang Hermano at Hermana ay si G. Ed Borbon ng Barangay 2 at ang Cultural Affairs Committee.

Sa Mayo 28 kung saan ang Hermano at Hermana ay si Atty. RD Dimacuha ng Barangay 18 at ang Team EBD, gaganapin ang Sta. Cruz de Mayo sa 5:30 ng hapon mula Basilica ng Immaculada Concepcion paikot ng bayan papuntang Plaza Mabini. Ang ruta ay ang sumusunod: Mula Basilica, kaliwa sa M. H. De Pilar St., kanan sa D. Silang St., kanan sa D. Atienza St., kanan sa C. Tirona St, kaliwa sa P. Burgos St., kaliwa sa P. Panganiban St. at kanan sa Plaza Mabini Amphitheatre. Sa 6;30 ang Flores de Mayo sa Plaza Mabini Amphitheatre, sunod ang Pamamaalam at Salve Regina. Pagkatapos nito ang prusisyon mula plaza, kanan sa P. Panganiban, kanan sa D. Atienza, kanan sa M. H. Del Pilar, at kaliwa papuntang Basilica.

Ang gawaing ito ay sa pangangasiwa ng City Tourism Office at Cultural Affairs Committee.
(PIO Batangas City)

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.