Social Protection Team Binuo

  94-Social-Protection-Team-Binuo-2.jpg 94-Social-Protection-Team-Binuo-3.jpg 94-Social-Protection-Team-Binuo-4.jpg 94-Social-Protection-Team-Binuo-5.jpg 94-Social-Protection-Team-Binuo-6.jpg 94-Social-Protection-Team-Binuo-7.jpg 94-Social-Protection-Team-Binuo.jpg

May 6,000 mahihirap na pamilya ang inaasahang makikinabang sa pagbuo ng pamahalaang lungsod ng Social Protection Team na naglalayong mapalawak aag pagtugon sa problema ng kahirapan sa lungsod.

Ang pagbuo ng naturang team ay nakapaloob sa Executive Order No. 2, S 2016 alinsunod sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Dept. of Interior and Local Government at Dept. of Social Welfare and Development Office kung saan sila ay magbabalangkas ng mga policies at programs na naglalayong maibsan ang kahirapan at ang kanilang vulnerability risk o kahinaan sa mga panganib, at maiangat ang estado ng kanilang paumumuhay. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalawak at proteksyon ng kanilang kabuhayan at trabaho, proteksyon laban sa vulnerability risk o panganib at biglang pagkawala ng kita at mapalakas ang kanilang kapasidad na ma manage ang mga risks o panganib sa kanilang buhay.

Ang Team ay binubuo ni Mayor Eduardo Dimacuha bilang chairperson, City Administrator Narciso Macarandang bilang vice chairperson, at mga members na sina Councilor Serge Rex Atienza- chairperson ng Sangguniang Panlungsod Committee on Social Welfare, Liga ng mga Barangay President Angelito Dondon Dimacuha, City Social Welfare and Development Officer Mila Espanola , at City Planning and Development Coordinator Januario Godoy.

Kaugnay nito, sumailalim sa orientation ang mga barangay officials, child development workers o daycare workers, barangay health workers noong ika-1 ng Hunyo sa Amphitheater ng Plaza Mabini kung saan tinalakay ang gagawin nilang Family Survey on Risks and Vulnerability sa may 30 nangungunang barangay na may pinakamataas na antas ng kahirapan. Ang unang sampung barangay ay may highest proportion of poverty o young mga barangay na maliit ang populasyon subalit marami ang bilang ng mahihirap; ang ikalawang sampung barangay ay may highest magnitude of poverty o yuong mga barangay na may malaking populasyon at madaming mahihirap; at ang ikatlong batch ay yaong maraming informal settlers, maraming risks kagaya ng mga lugar na nasa high level, shorelines at industries at ang mga island barangays. Ang resulta ng survey na ito ng mga pamilyang Batangueno ay tinatawag na Community -Based Management System o CBMS.

Ang 30 barangay na sasailalim ng survey na gagawin sa June 2, 3, 6 at 7 ay ang Alangilan, Balagtas, Balete, Bolbok, Calicanto, Cumba. Cuta, Dela Paz Pulot Itaas, Ilijan. Kumintang Ilaya, Kumintang Ibaba, Libjo, Liponpon, Malitam, Barangay 24, San Agapito I. V., San Agustin Kanluran I. V., San Agustin Silangan I. V., San Andres I. V., San Antonio I. V., San Jose Sico, Santa Clara, Sta. Rita Karsada, Sta. Rita Aplaya, Sto. Domingo, Tabangao Aplaya, Tabangao Ambulong, Talahib Pandayan, Talahib Payapa at Wawa.

Nakapaloob sa survey ang Pagkakakilanlan, Mga Panganib(Risk) at Vulnerability na Kinakaharap ng Pamilya kagaya ng Individual Life Cycle Risks, Economic Risks, at Environment and Disaster Risks at Social Governance.