- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Environmental Awareness Summit idinaos
- Details
- Friday, 25 November 2016 - 4:36:31 PM
May 612 na environmental compliance officers(ECOs) at pollution control officers ng mga medium at large scale business establishments at industries sa lungsod ang dumalo sa ECO Awareness Summit ng City Environment and Natural Resources Office upang mapalakas ang kanilang kakayahang magampanan ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa pagpapatupad ng mga environmental laws, rules at ordinances para maging sustainable ang pagnenegosyo.
Tinalakay ni Glenda Garcia ng City ENRO ang tungkol sa papel at tungkulin ng mga ECO sa pagpapatupad ng mga nakapaloob sa Certificate of Environmental Compliance(CEC) na isang requirement sa pagkuha ng business permit at probisyon ng Batangas City Environment Code. Ang ECO na duly accredited ng City ENRO ay empleyado ng isang business establishment na siyang naatasang mangasiwa at magpatupad ng mga batas at regulasyon para sa pangangalaga ng kapaligiran at kapakanan ng mga mamamayan. Sila rin ang magsisilbing focal person/coordinator ng pamahalaang lungsod sa mga environmental issues at concerns ng mga business establishments.
Ayon naman kay Corazon Gasapos, OIC-Chief, Planning Division, DENR-EMB Region 1V-A, malaking bulto ng basura ay mga nabubulok kung kayat malaking kabawasan kung ang mga ito ay ginagawa na lamang compost o ibinabaon sa lupa. Sa pamamagitan ng waste segregation at source, ang mga nabubulok na basura at recyclables ay hindi na kailangang itapon pa sa sanitary land fill upang hindi agad ito mapuno. Sa halip na 10 taon halimbawa ang itatagal ng landfill, ito ay pwedeng umabot sa 15 taon. Ang garbage collection ay dapat ding segregated o bukod ang basura sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang drums para sa dalawang uri ng basura o kaya ay pagkakaroon ng schedule para sa hakot ng nabubulok at di-nabubulok.
Ipinaliwanag ni Marisa Malabana, OIC-Chief, Toxic and Hazardous Waste Management Section,, DENR-EMB Region 1V-A, ang tungkol sa RA 6969 o Toxic Substance and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990. Sinabi niya na ang methane gas na nagmumula sa mga basura ay nakaka contribute sa pagdami ng greenhouse gas na nagdudulot ng climate change na siya namang nagpapalakas ng mga bagyo at pagbaha.
Sa kanyang pagtalakay sa Water Quality Guidelines and General Effluent Standards of 2016, sinabi ni Miseth Perez, environmental management specialist ll ng DENR-EMB-PEMU Batangas , na hindi na kagaya ng dati na diretsong nakakainom ng tubig mula sa gripo ang mga tao dahilan sa pagbaba ng kalidad ng tubig kayat mineral o purified water na lang ang iniinom. Binanggit din niya ang mga major issues hinggil sa water sources kagaya ng over extraction, over consumption, pollution at climate change. Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng waste treatment facility sa mga business at industrial establishments upang maiwasan ang polusyon ng mga ilog at dagat ( PIO Batangas City )
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.