- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pulis mas mahigpit sa mga magtitinda ng paputok
- Details
- Friday, 25 November 2016 - 2:23:08 PM
BATANGAS CITY- Magiging mas mahigpit ang kapulisan sa pagpapatupad ng mga batas at regulasyon hinggil sa pagtitinda ng paputok upang maseguro ang kaligtasan ng publiko.
Ito ang sinabi ni PO3 Ding Calalo, Firearms Desk PNCPO, sa orientation na isinagawa nila sa mga magtitinda ng mga paputok at fireworks sa itinalagang lugar sa Batangas City Sports Coliseum sa December 29-31.
Ayon sa kanya, may mga pagbabagong ipatutupad kung saan gagawing mas maluwag ang espasyong dadaanan ng mga mamimili. Kung dati ay itinatambak ng mga magtitinda ang mga produkto sa likod ng kanilang mga pwesto, ang mga ito ay ilalagay mismo sa kanilang mga stalls.
Dapat ay tama ang sukat ng stall at hindi dapat lagyan ng mga Christmas lights. Ang gagamiting extension cord ay dapat heavy duty at matibay. Hindi pwedeng ilapag ang mga paninda sa semento at bawal ang manigarilyo sa loob ng stalls.
Ipininaliwanag ni City Fire Marshall Glenn Salazar ang mga dapat at hindi dapat sa mga linya ng kuryente upang maiiwasang mag karoon ng sunog.
Tinalakay naman ni Ditas Aguado, hepe ng Business Permit and Licensing Office, ang proseso ng pagkuha ng business permits sa pag titinda ng mga paputok. Aniya mas mabuti na ang sumunod sa tamang proseso upang hindi maantala ang pag rerelease ng permit. Ayon naman kay Batangas City Police Chief Barnard Dasugo, mahigpit ang kanilang gagawing pag babantay at pag momonitor sa mga paputok at fireworks na ititinda at sinomang lalabag ay papatawan ng kaukulang parusa at revocation o ban ng kanilang permit at pagkumpiska ng kanilang paninda.
Hinihintay pa rin ang darating na guidelines ni Presidente Rodrigo Duterte kung ano ang pwedeng itinda at iba pang regulasyon. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.