- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Fireworks safety seminar patuloy na isinasagawa upang mabawasan ang aksidente
- Details
- Tuesday, 08 August 2017 - 3:27:37 PM
BATANGAS CITY- Naging host ang Batangas City Police Station ng taunang fireworks safety seminar na isinagawa ng Philippines Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Incorporated (PPMDI) upang maiwasan ang sunog, aksidente o kamatayan lalo na kung New Year celebration. May 156 manufacturers, dealers, at mga police personel mula sa Region 4-A at 4-B ang lumahok sa seminar na ito.
Ayon kay Engr. Celso Cruz, Chairman Emeritus ng PPMADI, matagal na nilang ginagawa ang seminar na ito at kung ayon sa Department of Health ay nababawasan ang mga biktima ng paputok, layunin nila na mabawasan pa ang aksidente. Nais din nilang mapalawak ang public awareness sa mga rules at regulations tungkol sa manufacture, sale at paggamit ng fireworks.
Sinabi rin ni Cruz na may responsibilidad ang mga local government units sa pagpapatupad ng mga alituntunin sa pananatili ng fireworks safety.
Ipinaliwanag ng PPMDAI na mahalaga ang distansiya ng mga tindahan sa mga bodega upang maiwasan ang pagkakadamay ng ibang pasilidad kung sakaling may pumutok. Tinalakay din ang safety measures na kanilang patatatagin.
Ayon pa rin sa PPMDI, layunin nila na makapagbigay ng assistance sa mga miyembro nito sa processing ng requirements para sa issuance ng permit at lisensiya bilang manufacturer o bilang dealer ng pyrotechnic products.
Kinakatawan din nila ang mga mieymbro sa collective capacity sa consultative meetings sa pagitan ng mga government agencies kagaya ng PNP, Bureau of Internal Revenue at iba pang ahensya sa pagpapatupad ng RA 7183 o an Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnique devices. Nagbibigay din ito ng financial assistance sa mga miyembro kung may namatay, may aksidente o kalamidad. May layunin din itong tulungan ang pamahalaan na makapag disseminate ng impormasyon, guidlines o circulars na ipapalabas ng pamahalaan paminsanminsan at mapataas ang technical na kaalaman ng mga miyembro sa pamamagitan ng training at seminar.
Sinabi ng guest speaker na si PSSUPT Valeriano De Leon, acting chief ng Firearms and Explosives Office sa Camp Crame na “the common cause of injuries from fireworks is mishandling so they are aiming to educate both the producers and others concerned.” Binigyan diin din niya na dapat sumunod sa policy rules and regulations ang mga operators kagaya ng paglahok sa fire safety seminar. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.