- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Sto. Nino sa mata ng mga photographers
- Details
- Friday, 12 January 2018 - 5:10:02 PM
Iba’t ibang interpretasyon ng Mahal na Poong Sto. Nino habang ito ay binibigyang pugay ng mga deboto sa fluvial procession nito ang ipinakita ng mga photographers sa taunang Photo Contest ng pamahalaang lungsod.
Sa awarding ceremony na naganap sa SM CityBatangas ngayong araw na ito(January 12), sa 109 entries, nanalo ng first place si Mark Anthony Caparas sa tema ng contest na “ Alay sa Sto Ninong Mahal: Ating Tagumpay.”
Ayon kay Rene Robles, world renowned artist, unanimous ang kanilang naging desisyon sa pagpili ng mga nagwagi. May character, composition at feelings aniya ang entry ni Caparas.
Si Robles ang tumayong Chairman of the Board of Judges kasama sina Kapatiran at Ugnayan ng Natatanging Sining at Talentong Pilipino o KUNST President na si Virgilio Cuizon, at ang multi-awarded artist na si Aris Bagtas.
“Everytime na kukuha kayo ng picture, kailangan na may character at philosophy, ani Robles.
Pumangalawa si John Bert Lopez at pangatlo si Gringo Bulanhagui.
Nagbigay din ng consolation prize na P 3,000 kina Alfredo Bomping, Berlin Mando, Nerissa Caparas, Roger Mando at Miguel Caparas.
Lubos ang pasasalamat ni SM City Batangas Assistant Mall Manager Mina Buenaflor sa pamahalaang lungsod ng Batangas dahil sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na maging venue ng naturang proyekto sa pagshoshowcase ng talento ng mga Batangueno artists.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha na si Local Economic and Investment Promotion Officer at Cultural Affairs Committee Member Erick Sanohan sa SM City Batangas bilang katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagtataguyod ng naturang proyekto.
Ang photo exhibit at ang display ng mga art works ng mga lumahok sa Children’s Art Competition sa nasabing mall ay tatagal hanggang January 16. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.