- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kumintang Ilaya beauty ang Bb. Lungsod ng Batangas 2018.
- Details
- Tuesday, 16 January 2018 - 1:26:29 PM
Naging maswerte ang birthday ng 20-year old at Tourism student na si Queenie Faye Espeleta ng Barangay Kumintang Ilaya dahil sa araw na ito nakuha niya ang korona ng Bb. Lungsod ng Batangas 2018.
Siya ang naging best sa may 20 kandidata na lumahok sa beauty contest na ito. “Pinagdasal ko talaga na makuha ang crown ngayong araw ng birthday ko kaya naman overflowing ang nararamdaman kong kasiyahan,” sabi ni Espeleta. At kung totoo na lucky color ang red para sa mga Chinese, stunning ang beauty ni Espeleta sa red gown na creation ng beterenang Batangueña fashion designer na si Rene Salud at siya ring nagpapanalo sa kanya bilang Best in Long Gown. Siya rin ang nakasungkit ng mga awards na Best in Filipiñiana Costume at Best in Swimsuit.
Si Espeleta ay nanalo na rin ng iba pang beauty titles kagaya ng Prinsesa ng Kumintang 2016 at Ms CITHM sa Lyceum of the Philippines University Batangas kung saan dito siya nag-aaral. Isa aniya sa mga bagay na natutunan niya sa pagsali rito ay ang pagkakaroon ng tiwala sa kanyang sarili. “Sa pagkakapanalo ko ng titulong ito ay inaasahan kong mas maraming malalaki at magagandang opportunities na darating sa akin,” dagdag pa ni Espeleta. Sinabi din niya na mas magiging involved siya sa community lalo na at isa sa kanyang isusulong na advocacies ay ang pangangalaga sa mga kabataan sapagkat naniniwala siya na ang mga ito ang future leaders ng susunod na henerasyon. Nanalong 1st runner- up si Princess Razene Almacen ng barangay Kumintang, 2nd runner- up si Arzel Eve De Mesa ng Kumintang Ilaya, 3rd runner- up si Ma Claret Ellaine Carandang ng Conde Labac at 4th runner- up si Bianca Perez ng Bolbok.
Tinanggap ni Coun. Alyssa Cruz, Chairman ng Committee on Education ng Sangguniang Panglungsod, ang halagang P 140,000 mula kay Bb Lungsod ng Batangas – Charity na si Andrea Loise Macaraig ng Pallocan East. Si Cruz ang kinatawan ng Dep Ed na syang napiling beneficiary ng naturang fund- raising project. Si Macaraig din ang nagkamit ng Smart Texter’s Choice Award.
Bukod sa naging promotion ng turismo ng bansa sa tagline na “ It’s More Fun in the Philippines” ang overall production ng pageant night, naging showcase rin ito ng mga naggagandahan at makulay na mga gowns ni Salud kung saan nagsilbing inspirasyon sa kanyang pagdidisenyo nito ang kultura ng Luzon, Vizayas at Minadano. Maraming taon ng nagisisilbing official gown designer ng Bb. Lungsod ng Batangas si Salud.
Naging guest performers ang popular singer na si Jona Viray, actor ng teleseryeng “Wildflower” na si Joseph Marco, at mga stand- up comedians na sina Arnel Lachica at Jayo. Itinampok din dito ang mga local talents ng lungsod kagaya ng grupong Kazaokatu at BSU Dance Company, Don Amuel Abanta na naging contestant ng “I Can See Your Voice” show ng ABS CBN, at Aaron Cynric Regala na magiging bahagi ng Philippine Team sa 22nd World Championship of Performing Arts sa Hulyo.
Nagsilbing front act ang mga kawani ng pamahalaang lungsod mula sa City Mayor’s Office , City Engineer’s Office at City Environment and Natural Resources Office na nagwagi sa Subli Street Dance competition noong nakaraang taon gayundin ang mga mag-aaral na nagwagi sa pag-awit sa Patimpalak Parangal kay Apolinario Mabini. Ipinakita rin ang bahagi ng kasaysayan at pag-unlad ng Batangas City sa audio-visual presentation na “Ituloy Natin ang Saya sa Patuloy na Tagumpay ”. (Ronna Endaya Contreras PIO Batangas City.)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.