3 top-notchers sa Mechanical Engineering board exam mula sa Batangas City

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg


Tatlo sa Batangas City ang naging top notchers sa February 2019 Mechanical Engineering Licensure Examination kung saan ang isa ay naging EBD scholar.

Nag courtesy call kay Mayor Beverley Rose Dimacuha sina Jayson Perez, Jerwin Mendoza, at Patrick Joshua Rivera na pawang mga graduates ng University of Batangas (UB).

Si Perez ang naging Top 1 sa kanyang score na 92.4%, si Mendoza naman na naging EBD scholar ang Top 6 sa kanyang score na 90.3% habang si Rivera ang Top 7, 90.25%.

Malugod na binati ni Dimacuha ang mga estudyante at pinayuhan na pagbutihin pa ang mga ginagawa upang makatulong sila sa kanilang mga magulang. “Pride kayo ng lungsod at ng probinsiya ng Batangas at nawa’y maging mabuting modelo kayo ng isang tunay na kabataang Batangenyo,” sabi ng Mayor. Binigyan din niya ng cash incentive ang mga ito.

Ayon kay Perez, sa kabuuang 3,046 na examinees sa buong Pilipinas, 1,538 lamang ang nakapasa. Sa kanilang eskwelahan ay 83 ang pumasa sa 103 na board examinees. Dahil sa mataas na passing rate, napabilang ang UB sa top 3 universities sa likod ng Batangas State University at Mindanao State University.

Sinabi naman ni Mendoza na “malaking bagay po ang pagiging EBD scholar ko kasi ako po ang panganay sa aming magkakapatid. Medyo hirap din naman po kami kasi lahat kami nag-aaral pa. Kaya yung ayuda ng city government ay tamang-tama sa kagaya namin na nagnanais makapagtapos ng aming pag-aaral.”

“Maraming salamat sa city government lalo na po kay Mayor Dimacuha at tuloy-tuloy ang EBD scholarship program. Isa po ako sa makapagpapatunay na marami talagang natutulungan ang proyektong ito,” dagdag pa ni Mendoza.