- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Simula ng midterm elections sa Batangas City maayos at tahimik
- Details
- Friday, 10 May 2019 - 2:59:20 PM
Sa unang apat na oras ng botohan ay naging maayos at tahimik ang midterm elections sa Batangas City maliban sa mga dati ng reklamo na hindi makita ang pangalan sa voters’ list.
Mayroon namang mga itinalagang tumutulong sa mga botante sa paghahanap ng kanilang mga presinto partikular ang mga senior citizens, persons with disability at mga buntis.
May nakatalaga ding security assistance desk ng Batangas City PNP at ang desk ng City Health Office na nagbibigay ng first aid sa mga mangangailangan.
Ipinapaalaala naman sa mga botante na bawal ang gumamit ng cellphone at makipag usap sa mga watchers habang bumoboto. Ang mga botante ang naghuhulog ng kanilang balota sa vote counting machine at maglalagay ng resibo sa voter’s receipt receptacle matapos masiguro na ang kanilang mga ibinoto ang nakalagay sa resibo.
Samantala, bumoto sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa Batangas National High School (BANAHIS) kasama sina ABC President Dondon Dimacuha, ang kabiyak nitong si Atty Alyssa Dimacuha at Secretary to the City Mayor Atty Reginald Dimacuha gayundin si dating mayor at OSCA President Vilma Dimacuha bandang 10:00 ng umaga.
Ayon sa mensahe ni Mayor Dimacuha, natutuwa siya na very peaceful at orderly tuwing eleksyon sa Batangas City. Hinikayat niya ang mga mamamayan na iexercise ang kanilang right to vote at nagpaabot ng pasasalamat sa muling pagkakahalal bilang Punonglungsod. “Bagamat pressured, mas pag-iigihan ko pa ang paglilingkod,” sabi niya.
Sina Mayor Dimacuha, Vice Mayor Dr Jun Berberabe at Congressman Marvey Marino ng 5th District ay walang naging kalaban sa kanilang posisyon ngayong eleksyon.
Bumoto din sa BANAHIS ang ilang myemrbo ng Tanduay Athletics Team na noong Season 1 pa lang ng Anta Rajah Cup ng MPBL ay nagpatala na bilang mga registered voters ng Barangay 18.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.