- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
OCVAS doble higpit laban sa African swine fever
- Details
- Tuesday, 17 September 2019 - 9:37:00 AM
Sinabi ng hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services na si Dr. Macario Hornilla na doble ang paghihigpit na ginagawa nila upang hindi mapasok ng African swine fever (ASF) ang livestock industry sa Batangas City sa pamamagitan ng constant monitoring at inspection at pagtuturo sa mga livestock raisers kung papaano mapanatiling malusog at ligtas sa anumang sakit ang kanilang alagang baboy.
May koordinasyon din ang OCVAS sa Provincial Agriculture para sa implementasyon ng total ban ng pagpapasok ng live animal sa Batangas mula sa ibang probinsya.
Mahigpit na ipinatutupad ng OCVAS ang bio security kung saan may mga itinalagang inspection area sa mga barangay. Dito ay dini-disinfect ang mga papasok at lalabas na mga sasakyan. Chine-check din ang mga papeles/dokumento kagaya ng veterinary health certificate at iba pa ng mga papasok at lalabas na mga live animals partikular ang mga alagang baboy at maging ang pagpapasok ng mga haulers mula sa ibang lugar.
“Pinaaalalahanan namin ang mga nag-aalaga ng baboy, humahawak o nagtitinda na maging maingat . Sumunod sa mga batas at alituntuning na ipinatutupad ng Department of Agriculture (DOA), kagaya ng regular na paglilinis at pagdi disinfect ng lugar. Mahigpit ding ipinagbawal ang pagpapakain ng kaning baboy na siyang sinasabing dahilan ng ASF sa bansa,” dagdag pa ni Dr. Hornilla.
Ligtas aniyang kainin ng tao ang karne ng baboy na may ASF. Ganoon pa man ay tiniyak niyang walang ASF ang mga karneng baboy na ibinebenta sa ating pamilihan lalo pa nga’t sa slaughter house ng lungsod kinatay at dumaan sa pagsusuri bago ibenta sa mga palengke.
Sinabi rin ni Dr. Hornilla na napakabilis kumalat o makahawa ng ASF na nakaapekto na sa may 22 bansa at maraming probinsya sa Pilipinas. Magtatagal aniya bago muling makabawi ang industriya ng pagbababuyan ang isang probinsyang maapektuhan nito. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.