- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Buwan ng Pamilya ipinagdirwang
- Details
- Thursday, 19 September 2019 - 9:37:00 AM
BATANGAS CITY –Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Pamilyang Pilipino ngayong Setyembre na may temang “Tungo sa Maginhawa, Matatag at Panatag na Pamilyang Pilipino”, nagdaos ang City Social Welfare and Dvelopment Office (CSWDO) ng Baysanan ng Lungsod sa pakikipagtulungan ng City Civil Registrar’s Office at pagkilala sa mga Natatanging Pamilyang Batangueño sa ibat-ibang Sektor ng Lipunan, September 19, sa OCVAS Training Center.
May 13 pares and ikinasal ni Mayor Beverley Rose Dimacuha kung saan sinabi niyang “ ang pamilyang nagkakaisa ay isang pundasyon ng maunlad na komunidad, kayat humihingi po ako ng buo nyong suporta na patatagin at palakasin ang pamilyang Pilipino. Kung ang bawat pamilya ay nagmamahalan at nagtutulungan, tayo ay magiging isang maunlad na lungsod at pamayanan.”
Sa mga natatanging pamilya, kinilala si Angelito Perez ng Brgy. Calicanto bilang Ama ng Tahanan na may Kapansanan na Maunlad na Nakapagtaguyod ng Kanyang Pamilya at Nakatulong sa Kapwa Taong May Kapansanan May asawa at pitong anak, si Perez ay nakapagtapos ng vocational course sa Tesda kung saan nakakuha siya ng NC 11-Electronics Certificte at nakapagtrabaho bilang chief mechanic sa isang small engine factory sa lungsod. Naging trainor din siya sa T-shirt Cloth Dyeing Leading to Micro Enterprise Development sa mga Sama-Bajau parents at out-of-school-youth sa Lucena City , Quezon. at isa din siyang PWD officer bilang auditor ng Batangas City PWD Federaton.. Sa kabila ng pagiging orthopedically impaired, hindi ito naging hadlang sa kanya para makapagtrabaho at masuportahan ang kanyang pamilya sa pang araw-araw na pangangailangann at sa pag-aaral ng kanyang mga anak.
Kinilala rin si Guillerda Aida Manalo, ng Barangay Bilogo bilang Natatanging Solo Parent sa Kanyang Maunlad na Pagtataguyod ng Pamilya. Maagang nabiyuda si Manalo at naiwan sa kanya ang apat na anak. Siya ay nag doble kayod at tumayong ama at ina sa kanyang mga anak. Nagtrabaho siya bilang day care worker at nagkaroon ng alagang baboy galing sa OCVAS na kanyang napalago at nakatulong sa pagpapaaral ng kanyang mga anak na nayon ay puro tapos at professional na. Sa kasalukuyan siya ay namumuhay ng masaya kasama ang apat na anak na ang tatlo ay mga engineers.
Ang iba pang awardees ay ang pamilya nina Patricio at Baby Linda Ebora ng Brgy. Kumintang Ibaba sa Maunlad ng Pagtataguyod ng Pamilya; Peromia Villena ng Brgy. Mahacot Silangan bilang Solo Parent sa Kanyang Maunlad na Pagtataguyod ng Pamilya sa Larangan ng Paghahanap-Buhay, Belen Ferriols ng Brgy. 6 Poblacion sa Kanyang Pakikibahagi sa Pagtatguyod ng Programa sa Pangunahing Mamamyan sa Lungsod at Conrado at Eugenia Gonzales ng Brgy. Banaba East para sa Barangay.
Sina Wenceslao at Maura Albotra ng Barangay Poblacion 3 ang kinilala naman bilang Mag-Asawang Nagsasama ng Mahabang Panahon (70 taon) at sina Henry Jr. at Mylene Gabi ng Brgy. Aplaya ang Kinilala Bilang Manggagawang Batangueño na Nagtataguyod ng Pamilya at Nakapaglingkod sa Kanilang Barangay sa Pamamagitan ng Pagtatrabaho sa ibang Bansa.
Ayon kay Mila Espanola, hepe ng CSWDO, ang pagbibigay ng karangalan sa bawat natatanging pamilya ay upang magsilbing inspirasyon sa mga mamamayan na magsikap na mapalakas at mapanatiling buo ang kanilang mga pamilya.
Samantala, nagkaroon ng memorandum signing ang SM City Batangas sa pamamitan ng mall manager nito na si Gemina Buenaflor at ang city government na kinatawan ni Mayor Dimacuha para sa renewal ng libreng sine para sa mga senior citizens at persons with disability. Ang libreng sine ay tuwing weekdays subalit isang beses lang sa isang lingo pwedeng manood. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.