- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Brgy. Pallocan West may best practices sa paghahanda sa kalamidad
- Details
- Thursday, 26 September 2019 - 9:45:00 AM
Sa 105 barangay sa Batangas City, ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ng Pallocan West ang isa sa maituturing na modelo dahilan sa mga best practices nito na nakakatulong sa pagpapalakas ng kanilang kahandaan sa anumang kalamidad upang maging ligtas at maiwasan ang pagkawala ng buhay at ari-arian.
Sila ay napiling magpresenta ng kanilang best practices sa isinagawang 3rd Quarterly Multi-Stake Holder Dialogue and Risk Vulnerability Assessment meeting ng CDRRMC noong September 20.
Ayon kay Catherine Calansanan, BDRRM officer nito, nagagalak sila na napansin ng CDRRMC ang mga prevention and mitigation activities na kanilang isinasagawa upang mapanatili ang kaayusan at maging ligtas ang kanilang pamayanan.
May pitong sitio aniya ang kanilang barangay kung saan ang mga flood- prone areas ay ang Sitio Ibaba, Tierra Verde at ang Potenciana.
“Bago pa man sumapit ang tag-ulan, pinaghahandaan na namin ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng cleanup drive sa mga drainage at creek upang matanggal ang basura na nagiging sanhi ng mga pagbaha,” sabi ni Calansanan.
“Sa tuwing masama naman ang panahon lalo na kung may bagyo, nagroronda kami at minomonitor ang pagtaas ng tubig sa ilog ng Calumpang, binibigyan ng babala ang mga residenteng nakatira malapit dito at inihahanda ang mga kailangan sa posibleng paglikas,” dagdag pa niya.
Bukod sa cleanup drive, sumasailalim din sila ng pagsasanay sa ilalim ng CDRRMO. Tatlong beses sa isang taon kung magsagawa sila ng earthquake drill sa Pallocan Elementary School at sa barangay hall kung saan kalahok dito ang mga health workers at ang kanilang barangay council.
Lumalahok din sa mga capability-building training kagaya ng Basic Life Support, Family Disaster Management at iba pa ang kanilang mga opisyales at ilang volunteers.
“Nakikipag-ugnayan kami sa Meralco sa pagpapaputol ng mga puno na makakasagabal sa linya ng kuryente na maaaring magdulot ng aksidente at ang pagtatanggal ng mga patay na puno na maaaring bumagsak at magdulot ng sakuna,” dagdag pa ni Calansanan.
Upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na dengue sa kanilang lugar, mayroon silang proyektong “Deng-get out clean and green”. Para sa kanila, mahalagang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at maiwasang magkaroon ng mga lugar na maaring pamugaran ng mga lamok na may dalang dengue virus.
Naglaan din ng pondo ang barangay para sa mga disaster equipment tulad ng mga life saving tools at radio communication sets para sa kanilang komunikasyon at mabilis na pagtugon sa panahon ng kalamidad.
Pinapatunayan ng Pallocan West BDRRMC na ang barangay ang nasa frontline pagdating sa paghahanda at pagresponde sa anumang kalamidad kung kayat mahalaga ang kaalaman, pa-iingat, kooperasyon at pagtutulungan bilang sanggalang sa anumang banta sa buhay at kaligtasan ng bawat isa.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.