Bagong jail warden tututukan ang seguridad sa Sico Jail

  1.jpg

Myembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2007 at nagtapos ng kursong BS Aircraft Maintenance Technology ang bagong jail warden ng Batangas City San Jose Sico Jail na si Jail Chief Inspector Glenn P. Sianquita.

Ayon sa 36 taong gulang at tubong Rosario, Batangas na si Sianquita, siya ay nagsimula sa serbisyo noong 2007, naitalagang jail warden na sa iba’t ibang lugar at naging administrative officer sa regional office sa loob ng tatlong taon. Nagsilbi din siyang deputy warden ng Batangas City Jail noong taong 2011-2014.

“I welcome challenges,” sabi ni Sianquita sa kanyang pagkaka assigned sa lungsod ng Batangas.

Sa unang araw ng kanyang panunungkulan noong October 20, pinagtuunan niya ng pansin sa San Jose Sico Jail ang seguridad dito. “Nakita ko ang mga lapses sa security facility kaya nagpatayo ako ng mga posting at inadjust ko din ang oras ng pagduty ng mga tao upang matugunan ang blind areas dito.”

May 23 personnel na nagbabantay sa 361 inmates dito kung kayat minarapat niya na magbawas ng day off ng mga tauhan upang matugunan ang kakulangan sa tao habang hindi pa aniya dumadating ang kanyang request for additional personnel.

Bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng rules at policies ng Bureau of Jail Management and Penology, ipatutupad din niya ang Komunidad Kontra Droga (KKD) para sa rehabilitasyon ng mga drug offenders.

Hangad din niya na mailipat sa bagong building ang mga inmates upang mas maging komportable at mas secure ang mga ito. Inaasahan na bago matapos ang taon ay makabitan na ang gusali ng kuryente upang makalipat ang mga inmates early next year.

Nagcourtesy call siya kay Mayor Beverley Dimacuha noong October 28.