- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mayor Dimacuha at 16 recipients ng DOE e-trikes lumagda sa MOA
- Details
- Monday, 04 November 2019 - 4:38:00 PM
Lumagda sa Memorandum of Agreement sina Mayor Beverley Dimacuha at ang 16 na recipients/beneficiaries ng DOE E-trikes Project, November 4, sa City Mayor’s Office (CMO) bilang bahagi ng partnership livelihood project ng Department of Energy (DOE) at ng Batangas city government.
Ang mga ito ang unang batch ng recipients na nag qualify sa mga itinakdang guidelines ng DOE, batay sa pagsusuring isinagawa ng Transportation Development and Regulatory Office (TDRO). Ilan sa mga requirements ng DOE ay ang pagiging lehitimong miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), walang anumang police record, o pending traffic violation record, may garahe at may kakayanang mag mentena ng e-trikes.
Nakasaad sa MOA na ang mga recipients ay magbibigay ng P150.00 daily contribution sa pamahalaang lungsod sa loob ng limang taon para maging pag-aari nila ang sasakyan. Pumapatak lamang sa halagang P400,000.00 plus ang isang unit kumpara sa P600,000.00 plus kung bibilhin ang sasakyan sa labas. Sa ginawang computation ng halagang babayaran, anim na araw lamang sa isang linggo ang babayaran upang maging magaan ito sa recipient. Sa ngayon, ang city government muna ang magmementena ng e-trikes kung saan may mga trained city government employees na gagawa at magkukumpuni sakaling masira ang unit. May naka instala ring charging stations sa warehouse ng city government at maglalagay rin sa ilang accessible areas.
Ayon sa recipient na si Myrna Panaligan, napakagandang prebiliheyo para sa kanila na makasama sa proyektong ito.” Napakagaan ng terms and conditions, para lang sa condo na rent-to-own, kapareho din sa boundary pero hindi naman magiging iyo ang unit,” paliwanag niya.
Kabilang sa mga beneficiaries ang mga drivers na bumibyaheng SM City Batangas patungong sa mga karatig barangay, at mga may rutang G-1 at G-2.
Inaasahang maipagkakaloob ang mga e-trikes sa susunod na linggo matapos iproseso ang MOA at iba pang dokumento at pagkatapos na muling isagawa ang orientation/briefing ng mga beneficiaries. (Batangas City PIO)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.