- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mga estudyante tinuruan tungkol sa farming at agribusiness
- Details
- Wednesday, 06 November 2019 - 3:54:00 AM
Bilang bahagi ng isinusulong ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) na maengganyo ang mga kabataan na magkaroon ng interes sa agrikultura upang maging susunod na henerasyon ng mga magsasaka at negosyante sa agribusiness, nagsagawa ang Cooperative Division nito ng lecture tungkol sa Agripreneurship, Financial Literary, Entrepreneurship, at Leadership and Values, November 7. Ito ay dinaluhan ng may 250 elementary at high school students mula sa ilang mga public at private schools sa lungsod.
Layunin ng nasabing lecture na mabigyan sa sapat na kaalaman ang mga kabataan sa kahalagahan ng agrikultura at sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga magsasaka.
Ayon sa resource speaker na si Gigi Morris, Moca Farm School director, mahalagang malaman ng mga kabataan ang “huge role na kanilang gagampanan sa food security at economic development ng bansa.”
Kailangan aniyang palitan ang lumang konsepto o “old ways” sa farming kung kayat kinakailangan nilang matutunan ang bagong “paradigm” sa agrikultura dahil sa pagpasok natin sa 21st century, sabi ni Morris.
Binigyang diin niya na “the new paradigm shift here is, we are all farmers because we are all responsible for the food that we eat.” Sinabi rin niya na “ we can all contribute on a micro level by becoming farmers ourselves.”
Ayon pa rin kay Morris, pag sinabing pagsasaka, hindi lamang dapat isipin na ito ay tungkol sa industrial farming kundi tungkol rin sa small farming na siya namang trend noon.
Sa pamamagitan ng small o family farming ay makakatulong tayo sa food security ng bansas. “Ang future ng food- secured nation ay nakasalalay sa small or family farmers.”
“Ang agripreneur mula sa salitang agriculture at entrepreneur ay nangangahulugan ng new mindset na ang farming ay hindi lamang masakit sa likod, this is where we interject the concept of management, marketing, financing and product development o pagpapatakbo ng negosyo anchored on agriculture,” paliwanag niya.
"The younger generation has to understand that there are so many possibilities when it comes to agriculture, hindi lamang ito production, pwede din dito ang product development at concept of digitalization kung saan makaka relate ang mga kabataan because the way we do business now , everything is digital, shared economy. Kung kayat mahalaga na maintindahan nila ang konsepto ng shared economy,” dagdag pa ni Morris.
Payo niya sa mga kabataan na magkaroon ng mindset ng isang entrepreneur, magkaroon ng management skills, magplano at “be aggressive in pursuing it as a business.”
Sinabi rin niya na “libreng mangarap, but you need to study hard, work hard and put your passion into work” para matupad at magkatotoo ang inyong pangarap
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.