Batangueño ship captain pinarangalan ng SP sa kanyang katapangan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Nagpakita ng tapang at paninindigan ang isang ship captain mula sa Batangas City ng tumanggi siyang sumunod sa radio call ng isang isang Chinese naval warship na huwag dumaan ang kanilang sinasakyang barko sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea noong September 30 dahilan sa ito ay nasa ilallim ng jurisdiction ng China. Sa halip ay sinagot niya sa radii call na ang nasabing karagatan ay nasa teritoryo ng Pilipinas kayat nagpatuloy silang lumayag dito bilang “innocent passage “ papunta sa kanilang destinasyon.

Ang Batangueñong si Captain Manolo Ebora mula sa barangay Mahabang Dahilig ay binigyan ng parangal ng Sangguniang Panlungsod sa session nito, November 5, sa pamamagitan ng Commendation Award bilang pagkilala sa kanyang ipinamalas na katapangan na ipaglaban ang kanyang paniniwala sa kung ano ang tama at makaturungan alinsunod sa pagtupad sa kanyang tungkulin bilang kapitan ng barko.

Naghain rin ng isang resolusyon si Coun. Oliver Macatangay at co-sponsor Coun. Aleth Lazarte na kumikilala sa malakas na suporta ni Ebora sa bansang Pilipinas at bilang katangi-tanging mamamayan ng Lungsod ng Batangas.

Ang Greek-owned commercial vessel-Green Aura-kung saan lulan sina Ebora at ang 22 pang Filipino crew ay lumayag mula Thailand papuntang China. (Batangas City PIO)