- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Produkto ng mga barangay tampok sa Agri-Fishery Exhibit
- Details
- Wednesday, 06 November 2019 - 12:59:00 PM
Mga produkto ng iba’t ibang barangay sa Batangas City ang mabibili sa Agro-Fishery Exhibit Fair sa grounds ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services sa Bolbok mula November 5-8 kaugnay ng pagdiriwang ng Farmers, Cooperators and Fisherfolks Week
Makikita sa exhibit na nilahukan ng 17 booths ang mga produkto ng mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) at mga kooperatiba kagaya ng mga kakanin, food preserves, peanut butter, banana chips, turmeric, mga prutas, halaman at iba pang produkto ng mga magsasaka.
Tinanghal na Best Booth ang San Jose Sico MPC na nanalo ng P 15,000 at trophy.
Ayon kay Sheryll Hernandez, tagapamahala ng naturang kooperatiba, ang kanilang entry ay inspired ng kanilang negosyo kung saan sila ay namimili ng ibat-ibang kalakal at nagre recyle ng basura.. Gumamit sila ng mga recyclable materials sa kanilang mga paninda kagaya ng vermicompost na organikong pataba mula sa mga nabubulok na basura at Christmas decorations mula sa mga bote ng softdrinks. May tinda din silang mga unan at dishwashing liquid.
Ang nasabing kooperatiba ay nagsimula sa 13 myembro at P 84,500 na capital. Sa kasalukuyan ay mayroon na silang 400 members at P4million- shared capital. Napatunayan aniya ng kanilang samahan na may pera sa basura.
Nagkamit ng ikalawang pwesto ang Malalim MPC na gumamit ng mga dekorasyon mula sa niyog; nag-uwi ito ng P 12,000 at trophy habang 3rd prize winner naman ang 4H Club Batangas City na gumamit ng mga gulay sa kanilang booth; tumanggap sila ng P 10,000 at trophy.
Nagsilbing batayan sa pagpili ng mga nagwagi ang relevance to the theme, originality, presentation at over all impact.
Sa kanyang mensahe sa opening ceremonies, binigyang diin ng hepe ng OCVAS na si Dr. Macario Hornilla ang malaking kontribusyon at mahalagang papel na ginagampanan ng mga magsasaka sa lipunan. Sila aniya ang mga itinuturing na “lifetime food heroes” na dangal ng lunsod.
Natutuwa din siya na maraming mga kabataang mag-aaral ang dumalo sa naturang okasyon upang maipasa sa henerasyong ito ang mga kaalaman sa pagsasaka at pangingisda.
Dumalo ang chairman ng Committee on Agriculture and Cooperatives ng Sangguniang Panlungsod na si Coun. Ched Atienza. Magsusulong aniya siya ng mga ordinansa at resolusyong makakatulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at mga miyembro ng kooperatiba.
Sinabi ni Coun. Boy Dimacuha na isusulong niya ang magna carta for farmers habang tinawag naman ni Vice Mayor Dr Jun Berberabe na tunay na bayani ang mga magsasaka na siya aniyang susi sa malusog na mga mamamyan at maunlad na pamayanan.
Nagsilbing keynote speaker si Marwyn De Torres, VP ng Head, Heart, Hand at Health o 4H Club Luzon Chapter. Malaking hamon aniya sa mga nanunungkulan ang pagliit ng bilang ng mga magsasaka kung kayat hinihikayat niya ang mga kapwa kabataan na maging interesado sa agrikultura sa pamamagitan ng pagkuha ng kurso tungkol dito.
Ayon sa mensahe ni Provincial Agriculturist Pablito Balantac, ang naturang okasyon ay isang napakagandang venue upang kilalanin ang mahalagang kontribusyon sa lipunan ng mga magsasaka at hangad niya na malampasan ng mga ito ang problemang kinakaharap katulad ng ASF, rice tarrification at climate change.
Nakiisa rin sa okasyon ang kinatawan ni AGAP Partylist Representative Cong. Rico Geron na si Dr Rufina Salas, Provincial Veterinarian Romelito Marasigan at ang kinatawan ni Department of Agriculture Regional Executive Director Dir. Arnel de Mesa na si Antonio Sara, head ng Livestock Operations ng Dept. of Agriculture Region IV- A Calabarzon. Ipinaabot niya ang taos- pusong pasasalamat sa mga magsasaka na syang nagbabanat ng buto upang magkaroon ng pagkain sa hapag kainan ang bawat mamamayang Filipino.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.