- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Farmers, Cooperators and Fisherfolks week ipinagdiriwang
- Details
- Wednesday, 06 November 2019 - 10:50:00 AM
Ginawaran ng parangal ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services(OCVAS) ang mga natatanging magsasaka at iba pang miyembro ng sektor ng agrikultura sa pagdiriwang ng Farmers, Cooperators and Fisherfolks Week mula November 5-8 bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga ito sa pagpapalago ng agrikultura sa lungsod.
Ang mga pinagkalooban ng City Gawad Saka Award 2019 ay sina Ciriaco de Ocampo – Most Outstanding Farmer for Corn, Menandro Alog - Most Outstanding Farmer for High value Crops, Vilma Arellano – Most Outstanding Farmer for Small Animal Raiser, at si Luisa Aclan – Most Outstanding Agri-preneur. Lahat sila ay tumanggap ng trophy at cash prize na P 3,000.00.
Tinanghal na Most Outstanding Small Farmers Organization ang Malalim Multi-Purpose Cooperative, Most Outstanding Barangay Food Terminal ang Talahib Pandayan Rural Improvement Club (RIC) at Most Outstanding Farm Family ang pamilya ni Bartolome Baes ng barangay Pinamucan East. Sila ay tumanggap ng trophy at P 5,000.00.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay naggawad ng parangal para sa mga model young farmers sa layuning maengganyo ang mga kabataan na magkaroon ng hilig at interest sa pagsasaka kung saan nakasalalay hindi lamang ang ekonomiya kundi ang food security ng bansa. Ang mga awardees mga kabataang katulong ng kanilang mga magulang sa kanilang sakahan at sa paghahayupan. Sila ay sina Wilson Manalo ng barangay Pinamucan Ibaba, Meryll Malibiran ng Tabangao Dao at Bryan Lester Bobadilla ng Pinamucan East. Sila ay nagkamit ng trophy at P 2,000.00
Sa okasyon ding ito iginawad ang plaque of recognition sa regional winner at national finalist sa Productivity Olympics – ang San Isidro Multi-Purpose Cooperative (MPC); regional winner at national winner bilang Oustanding Cooperative (small category) sa Cooperative Development Authority Gawad Parangal 2019 – San Jose Sico Landfill MPC; at ang regional winner at national finalist bilang Outstanding Small Farmers Organization sa Gawad Saka 2019 – ang Sorosoro Multi-Purpose and Allied Services Cooperative ( SMASC).
Nagbigay din ng award para sa Pinaka agricultural harvest tulad ng pinakamabigat na hybrid native chicken ni Romelio Gajila ng barangay Dumantay; pinakamalaking saging na saba ni Leonardo Cueto ng Talumpok East; pinakamahabang talong ni Monte Manalo ng Pinamucan Ibaba; pinakamalaking cassava ni Ramon Abag ng San Isidro; pinakamalaking kalabasa ni Rufina Dimaano ng Sorosoro Ibaba; pinakamalaking mais ni Zosimo Cantos ng Banaba South at pinakamalaking cacao ni Rolando Castillo ng Balete. Lahat sila ay tumanggap ng premyong P1,500.00
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na patuloy niyang isusulong ang pagpapaunlad ng agrikultura sa gitna ng patuloy na industriyalisasyon ng lungsod. “Susuportahan ko ang mga proyekto tulad ng pagpapagawa ng mas maraming farm to market roads upang madaling mailuwas ang inyong mga produkto at ang programa sa modern farming.”
Hangad niya na magsilbing inspirasyon ang naturang parangal upang higit na magpursigi ang mga magsasaka na itinuturing aniyang “backbone of society”.
Pinagkalooban ng OCVAS si Mayor Dimacuha at Congressman Marvey Marino ng plaque of appreciation sa suportang ipinagkakaloob nila para sa kaunlaran ng agrikultura.
Namahagi rin si Mayor Dimacuha ng ibat-ibang gamit pansaka tulad ng farmalite gun seeder, seed and fertilizer auto seeder, backpack sprayer, fertilizer injector at spreader, multi-tilling machine at iba pa sa mga myembro at ibat-ibang samahang pang agrikultura sa lungsod.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.