- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
City Fire Station ISO certified na
- Details
- Wednesday, 06 November 2019 - 4:22:00 AM
Matagumpay na naipasa ng Batangas City Bureau of Fire Protection (BFP) ang ISO 9001:2015 Quality Management System Certification Audit matapos na ito ay sumailalim sa audit ng Certification Association Russian Register noong November 4.
Ang International Organization for Standardization (ISO) certification ay nangangahulugan na ang management system, manufacuturing process, service o documentation procedure ay mayroong lahat ng requirements para sa standardization at quality assurance.
Ayon kay City Fire Marshall Elaine Evangelista, pangalawa pa lamang ang Batangas City Fire Station sa buong bansa na tumanggap ng naturang certification kung saan nauna rito ang Muntinlupa City.
Ang certification aniya ay patunay na ang Batangas City Fire Station ay nakakasunod sa procedure na itinalaga ng National Headquarters, may malinis at maaayos na opisina, organisado at maayos ang filing at storage ng mga dokumento at higit sa lahat ay nakakapagbigay ng epektibong serbisyo sa mga mamamayan o customer satisfaction na nasusukat sa pamamagitan ng customer satisfaction survey na isa sa mga innovations ng kanilang himpilan.
Para kay FCINSP Evangelista, hindi naging madali ang proseso para sa ISO certification na sinimulan pa noong August 2018, isang buwan matapos maitalaga siya bilang City Fire Marshall. “Nang ma-assign ako dito ay inayos ko na ang lahat ayon sa ISO certification standards, mahirap at mahabang proseso, madaming requirements at improvements tayong ginawa para makuha natin ito,” dagdag pa niya. Nagkaroon din ng mga surprise inspection at internal auditing.
Isa sa malaki niyang accomplishments kaugnay ng ISO certification process ay ang pagtupad ng kanilang fire station sa quality management system requirements partikular sa mga requirements at procedures na nakasaad sa issuance ng BFP permits at clearances alinsunod sa probisyon ng Fire Code of the Philippines at ng Ease of Doing Business Act of 2018.
Nagkaroon rin ng mga angkop na trainings, seminars, at consultations para maiangat ang kakayahan, ng mga fire station personnel, maisaayos ang sistema at proseso sa pagre request at issuance ng dokumento ay maisaayos ang pasilidad ayon sa requirements ng ISO version.
Ayon kay FCINSP Evangelista napakalaki ng suporta ng city government sa pagpapaunlad ng Fire Station kung kaya’t nakamit nito ang ISO certification.
“We owe it to the public to improve our services as a public safety arm of the government so we took the ISO challenge. We should keep aiming higher when it comes to how we perform our mandate.” Responsibilidad naman sa publiko na ayusin ang aming serbisyo bilang kamay ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng kaligtasan kung kayat tinaggap naming ang hamon ng ISO. Dapat magpatuloy kami sa pagkamit ng mataas na layunin pagdating sa pagtupad sa aming tungkulin,” dagdag pa niya. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.