977 aplikante nakinabang sa maayos na mobile passporting sa Batangas City

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Nakinabang ang may 977 passport applicants sa mabilis na proseso ng application sa idinaos na “Passport on Wheels, Mobile Passporting sa Lungsod ng Batangas, Handog nina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Mariño”, November 14 sa Convention Center. Ito ay partnership project ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Batangas City government sa pamamagitan ng City Civil Registrar’s Office (CCRO).

Ito ang pangatlong pagsasagawa ng mobile passporting sa Batangas City na naunang isinagawa noong July at October 2018 sa layunin nina Mayor Dimacuha na maging mas maalwan ang proseso at hindi na gumastos pa sa pamasahe papuntang DFA Lipa, Lucena at Manila ang mga taga Batangas City.

Nasiyahan naman ang mga passport applicants sa mabils at sistematikong proseso ng application. Ilang linggo bago ang application date, nagsagawa na ng uploading of application ang CCRO kung kaya’t nagkaroon ng pagkakataon ang mga aplikante na mai check ang application form at maihanda rin agad ang mga requirements.

May 35 DFA personnel ang nagsagawa ng mobile passporting katulong ang mga CCRO personnel para sa mas maayos na proseso at tumugon sa ilan pang pangangailangan ng mga aplikante. (PIO Batangas City)