- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
15 street children ni rescue
- Details
- Tuesday, 19 November 2019 - 9:41:00 AM
Ginupitan ng buhok, pinaligo at pagkatapos ay pinakain ng mainit na sopas ng Batangas City Police ang may 15 street chldlren na ni rescue nila noong November 15 habang sumailalim naman sila sa check up at treatment ng City Health Office at sa counseling ng City Social Welfare and Develoment Office.
Ang mga batang ito ay mula sa barangay ng Calicanto, Sta. Clara at Wawa at kalimitang tumatambay sa P. Burgos St., Rizal Ave. at Caedo Commercial Center.
Ayon sa ama ng isa sa apat na rugy boys na sinagip, lahat ng kanyang tatlong anak ay nag-aaral maliban dito sa batang ito. Nagtatrabaho siya bilang cristo sa sabong at minsan ay nanghuhuli ng sea shells at ibinibenta ito. Lahat aniya ay ginagawa niya para mabuhay at mapag-aral ang kanyang mga anak subalit tanging ang anak niyang ito na lamang ang hindi interesadong mag-aral.
Isang lola naman sa barangay Sta. Clara ang siyang nag-aalaga sa dawalang magkapatid na apo niya na edad 10 at 11 taong gulang sapagkat nakakulong ang mga magulang nito. Nabubuhay lamang siya sa tulong ng isa niyang anak. Ayon sa kanya, nahihirapaan siyang disiplinahin ang kanyang dalawang apo kung kayat hindi niya mapatigil ang mga ito sa pag tambay sa kalsada at paggamit ng rugby.
Nang tanungin ang tatay at lola kung payag silang dalhin ang mga bata sa isang institusyon upang sumailalim ng rehabilitasyon, sumagot sila na pumapayag sila kung ito ang makakatulong sa mga bata.
Pinakabata sa mga na rescue ay edad walong taon habang ang pinakamatanda naman ay 15 taong gulang , estudyante sa isang public high school at kumikita bilang parking boy sa Caedo Commercila Center.
Ayon sa mga pulis, kinausap nila ang mga tindahan sa lungsod na huwag magtinda ng rugby sa mga bata at nakipag cooperate naman ang mga ito subalit mayroon naman ibang nagsu supply ng rugby sa mga batang ito.
Pagkatapos sumailalim ng counseling ng CSWDO , ibinalik ang mga bata sa pangangalaga ng kanilang barangay officials at mga magulang o guardians. (PIO Batangas City
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.