- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
CHO nagsagawa ng Smoking Cessation Orientation sa mga city government employees
- Details
- Thursday, 14 November 2019 - 4:42:00 AM
Alinsunod sa Anti-Smoking Ordinance at iba pang national laws tungkol dito, nagsagawa ang City Health Office (CHO) ng Smoking Cessation Orientation para sa mga kawani ng pamahalaang lungsod sa Teachers Conference Center, November 15.
Layunin nito na ma promote ang kalusugan ng mga empleyado sa pamamagitan ng hindi pagsisigarilyo at mabigyan sila ng kaalaman sa masamang epekto ng bisyong ito hindi lamang sa kalusugan kundi sa kapaligiran.
Ang mga participants ay kinabibilangan ng mga smokers at vapers mula sa ibat-ibang departamento gayundin ng mga non-smokers.
Ayon kay Vicky Atienza, Smoking Cessation Orientation coordinator ng CHO, kailangang manguna sa no-smoking lifestyle ang mga empleyado kayat binibigyan nila ang mga ito ng prayoridad sa pagbibigay ng edukasyon tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo.
Isa sa mga participants sa nasabing orientation ay si Romulo Cabral, 62 taong gulang at electrical foreman sa GSD Nagsimula aniya siyang manigarilyo noong siya ay 14 na taong gulang pa lamang. Nakakaisang kaha aniya siya ng sigarilyo sa loob ng isang araw sa loob ng 48 taon na. Sinubukan niyang tumigil ng paninigarilyo subalit pagkalipas ng tatlong buwan ay nahikayat muli syang bumalik sa bisyo dahil sa kanyang mga kasamahang nakikita niyang nagsisigarilyo.
Sumailalim ang mga participants sa isang workshop upang alamin kung bakit sila naninigarilyo at ang dahilan upang magdesisyon silang itigil ang bisyong ito.
Binigyang diin naman ni Dr Lawrence Albert Badillo, medical officer IV, na bagamat maraming paraan ng pagquit ng paninigarilyo, kailangan aniya ang 100% willingness o mindsetting upang magtagumpay sa pag-iwas dito. Kailangang sumailalim sa tatlong buwang program o medication ng CHO ang mga nagnanais magquit ng smoking.
Ayon kay Coun. Oliver Macatangay, Chairman ng Committee on Health, dati aniya siyang naninigarilyo noong kanyang kabataan at nagpasyang itigil ito nang maapektuhan ang kanyang kalusugan at performance bilang isang atleta.
Ibinahagi din niya na bilang isang dating respiratory therapist sa isang ospital, malaking porsyento o bilang ng mga pasyente dito ay may lung cancer, heart disease at chronic obstructive pulmonary disease (COPD) na epekto ng paninigarilyo. Ang iba pang sakit na dulot nito ay emphysema, stroke at nicotine addiction.
Payo niya sa mga participants na tanggalin ang bisyo ng paninigarilyo sa pamamagitan ng disiplina upang magkaroon ng malusog na pangangatawan.
Pagkatapos ng orientation ay magsasagawa ng monitoring ang CHO sa mga smokers at pagpupulong kasama ang mga myembro ng Task Force upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng ordinansa.
Lumagda sa pledge of commitment ang mga participants bilang pagpapahayag ng kanilang pakikiisa sa advocacy na gawing smoke free ang Batangas City.
Para sa mga nagnanais magpa counsel sa CHO, magdsadya lamang sa kanilang tanggapan upang kayo ay matulungan at mabigyan ng referral sa tamang ahensya.
Ipinagbabawal ng Anti-Smoking Ordinance at ng Republic Act 9211 o Tobacco Regulations Act of 2003 ang pagsisigarilyo sa mga pampublikong lugar at sasakyan kung saan sa ilalim ng nasabing national law ay may multang P500 hanggang P10,000 at community service mula 8 hanggang 16 na araw ang mga lalabag. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.