- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Bagong Police chief tutugunan ang mataas na kaso ng vehicular accidents
- Details
- Monday, 25 November 2019 - 4:55:00 PM
Sinabi ng bagong Batangas City Police Chief na si Lt. Co. Julius Anonuevo na una niyang aayusiin ang mataas na insidente ng vehicular accidents sa lungsod bunsod ng kakulangan ng disiplina.
Naging panauhin si Anonuevo sa regular session ng Sanguniang Panlungsod, Nov, 25, upang pormal na ipakilala ang sarili bilang bagong talagang hepe ng City PNP.
Sa kaniyang talumpati ay binanggit niya ang kaniyang mga naobserbahan sa lungsod at ang mga nais niyang gawin para lalo itong mapaunlad pagdating sa seguridad at kapayapaan.
Ayon kay Chief Anonuevo, “Mababait ang mga pulis dito. Mababait ang mga taga Batangas. In my two- week stay here, lumabas na ako ng gabi at madaling-araw. Tahimik po. Tahimik ang Batangas City.”
Sinabi rin niya na tututukan niya ang pabibigay ng edukasyon sa mga drayber lalo sa mga nagmomotor. Pagbubutihin din niya ang pagpapaigting ng disiplina sa kapulisan alinsunod sa programa ni Regional Director Vicente Danao Jr., kung saan ang serbisyo ng mga pulis ay inaasahang makikita at mararamdaman ng mga tao.
“Rest assured that all the undertakings you are doing now will be supported by the Philippine National Police, particularly Batangas City Police Station under my leadership,” dagdag pa ni Anonuevo.
Naglahad din ang ilang mga konsehal ng iba pang mga problema na pwedeng pagtuunan ng pansin ni Anonuevo gaya na lamang ng illegal gambling, traffic, motorcycle accidents, rugby boys at pagdayo ng mga cultural minorities.
“Asahan ninyo po na lahat ng inyong sinabi ay pipilitin kong solusyunan,” sabi ni Anonuevo. (Beverly Prescious Javier/ PIO Batangas City Immersion student)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.