- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
CLB, 2nd sa best performing school sa LET sa rehiyon
- Details
- Monday, 09 December 2019 - 3:43:20 PM
Nakakuha ng 57.25% passing rate sa Licensure Examination for Teachers (L.E.T) noong September 2019 exam ang Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) na rank no. 2 sa Local Colleges and Universities LET Performance sa buong Region IV-A, pangalawa sa City College of Calamba na may 75.34% passing rate.
May 138 Bachelor of Science in Elementary Education graduates ng CLB kung saan 108 ay fresh graduates (2019) at mga first takers ang kumuha ng LET at 79 dito ang mga nakapasa.
Ayon kay CLB President, Dr. Lorna Gappi, sumailalim sa mas mahabang review sessions ang mga estudyante na isinagawa ng St. Louie Review Center, isa sa pinakamalaking review center at partner ng CLB. Ilang buwan bago ang graduation ng mga estudyante ay nagsimula na ang mga itong mag review sa CLB hanggang sa mag board exam.
Sinagot din ng CLB ang P2,000 sa P5,000.00 review fee ng bawat examinee. Nagkaroon ng mga mock examinations kung saan tiningnan nila ang performance ng mga examinees at tinulungan sila sa mga subjects na mababa ang score.
“Nagkaroon kami ng close supervision, monitoring sa mga batang ito. May local review din kami at comprehensive exam na part ng curriculum,” dagdag pa ni Dr. Gappi.
Inihahanda na ng CLB ang mga magtatapos ng BEED para sa kanilang board exam. Hangad ng kolehiyo na maka 100% passers sa susunod na taon.
Iniulat din ni Dr. Gappi na marami sa mga BSEEd graduates ay may mga trabaho na bago pa man lumabas ang resulta ng board examination.
Samantala magsisimulang tumanggap ng applikante para sa incoming freshmen ang CLB sa Mayo. Ang aplikante ay dapat may general average na 80% pataas at certificate of indigency mula sa City Social Welfare and Development Office. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.