- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
BFP nagdaos ng Pamaskong Paalaala 2019 sa mall
- Details
- Monday, 09 December 2019 - 3:49:10 PM
Isang “strategic” at “community-based” Christmas presentation ang isinagawa ng Bureau of Fire Protection sa SM City Batangas noong Decedmber 6 upang mapalawak ang kaalaman ng mga tao sa fire safety at prevention lalo na ngayong ipinagdiriwang ang Pasko.
Ito ay ang “Pamaskong Paalala 2019 BFP Concert at the Mall, na isang 3-1 Yuletide Fire Prevention Event kung saan nakapaloob dito ang Concert, Emergency-Rescue Simulation/Training at Equipment Exhibit.
Ang event ay proyekto ng BFP Region IV-A na isinagawa sa pamamagitan ng Batangas Provincial Fire Office sa pangunguna ni F/SUPT Farida Ymballa. Naging host nito ang Batangas City BFP sa pamumuno ni F/CInsp Elaine Evangelista katulong ang Batangas City government. Dumalo rito ang mga Fire Marshalls mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Batangas.
Nagtanghal sa concert ang mga fire fighters na nagpakita ng kanilang talento sa pag-awit at pagsayaw.
Nagbigay naman ng kanilang mensahe sina Regional Director, BFP R4-A F/CSUPT Jesus Fernandez, CESE at dating Konsehal Serge Atienza na siyang naghatid ng mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha. Kapwa nila ipinaalaala ang maingat at ligtas na pagdiriwang ng Pasko.
Lumahok dito ang mga elementary at high school students mula sa ilang publiko at pribadong paaralan sa Batangas City at mga karatig bayan. Itinuro sa mga bata ang mga fire prevention and safety reminders, naging bahagi rin sila ng fire and emergency simulation at ipinakita ang mga kagamitan ng mga bumbero.
Ayon kay RD F/CSUPT Fernandez, nararapat na maagang matuto ang mga kabataan ng mga paraan para makaiwas sa sunog at mailigtas ang kanilang sarili mula sa sunog dahil madalas ay silang mga bata ang naiiwan sa bahay at kadalasan ay sila ang nagiging biktima o nasasawi.
Natuto at nag enjoy ang mga estudyante sa iba’t ibang activity corners tulad ng Kiddie Fire Marshal Station, Fire Safety Lecture Corner, Emergency Simulation, Smoke Evacuation Simulation Corner at Exhibit and Display of Fire and Water Rescue Equipment. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.