- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Taong may HIV/AIDS hindi dapat katakutan at sa halip ay tulungan
- Details
- Wednesday, 11 December 2019 - 2:20:00 PM
BATANGAS CITY- Sa commemoration ng World AIDS Day noong December 1, muling nanawagan ang mga health care providers na huwag katakutan, husgahan at i discriminate ang mga taong may sakit na Human/Immunodeficiency Virus (HIV)/Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) at sa halip ay tulungan at suportahan ang mga ito sa kanilang paggaling at mapanatili ang normal na pakikisalamuha sa tao.
Ang HIV ay nakukuha sa pakikipagtalik sa taong infected nito, sa pamamagitan ng paggamit ng contaminated needle, blood transfusion at pagkahawa ng isang ina sa kanyang ipinagbubuntis. Kapag lumalala ang HIV, it ay magiging Aquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) na nagdudulot ng kamatayan.
Bilang pakikiisa sa nasabing okasyon, nagsagawa ang City Health Office ng isang lecture, December 10, na dinaluhan ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community, academe, workplace sector at ilang mga empleyado ng pamahalaang lungsod.
Ayon kay Dr. Marie Beatrix Duzon, HIV/STI regional program outcome manager, Department of Health Region 4-A., nakakabahala ang pag taas ng bilang ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS. Ayon sa kanya, ang Pilipinas sa buong Asia Pacific ang may pinakamataas na kaso ng sakit na ito kung saan ito ay tumaas ng 203%. Sa National Capital Region, may 26,832 na kaso at sa CALABARZON ay 10, 431 kung saan mas marami ang lalaki na may edad 15-24. Pangilan ngilan lamang ang mga pregnant women na positive sa HIV. “Strengthening community support is vital in achieving the DOH’s vision of zero new infections, zero discrimination, and zero AIDS-related death. Let us show that communities do make a difference,” dagdag pa niya. (Ang pagpapalakas ng suporta ng komunidad ay mahalaga sa pagkamit ng tinatanaw ng DOH na Zero sa bagong impeksyon, zero sa diskriminasyo at zero sa kamatayan dahil sa AIDS. Ipakita natin na ang mga komunidaad ang makakagawa ng pagbabago upang matugunan ang HIV/AIDS.)
Sinabi rin niya na mahalaga ang public awareness lalo na sa mga kabataan upang malabanan ang sakit na ito. “I advocate natin kung paano ito maiiwasan at kung paano ma e encourage ang may sakit na magpa test at magpagamot.
“Hindi sila dapat katakutan bagkus dapat sila alagaan. Mas nakakatakot pa ang ibang sakit, mas nakakahawa pa nga ang tuberculosis dahil air virus siya, mas nakakatakot ang dengue dahil ang bilis ng course ng pagkasakit niya or yun mga cancer na hanggang ngayon ay mahirap i prevent samantalang ang HIV may stigma lang siya kaya lahat ng tao ay natatakot. Ang ganitong stigma ay dapat ituwid at nagsisimula ito sa sarili at sa komunidad.”
Idinagdag pa ni Duzon na hindi dapat mag alala ang mga nag positive sa HIV dahil may mga ahensiya o institusyon tayo na tumulong mula sa pag papa test, pag konsulta, at sa pag bigay ng libreng gamot. Huwag matakot mag pa konsulta dahil binibigyan ng halaga ang privacy ng bawat tao.
Sa mensahe naman ni Mayor Beverly Rose Dimacuha, sinabi niya na malaki ang papel ng komunidad para magkaroon ng pagbabago kaugnay sa pananaw ng publiko sa nasabing sakit. “Patuloy pong nag pupursigi ang pamahalaang lungsod sa mga gawain at kampanya laban sa mga panganib na sakit dulot ng HIV/AIDS”.
Ang tema ngayon taon ng World AIDS Day commemoration ay “Ending HIV/AIDS Epidemic: Community by Community”. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.