- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas city kumikilos sa pagresponde sa Taal volcano eruption; fiesta activities kinansela
- Details
- Monday, 13 January 2020 - 10:46:00 AM
Nagpatawag ng emergency meeting sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa mga konsernadong opisina ng city government para matiyak ang kahandaan ng mga ito sa pagresponde sa pagputok ng bulkang Taal at ang pagbibigay ng tulong sa mga bayang apektado nito.
Unang iniutos ni Mayor Beverley Dimacuha ang kanselasyon ng mga fiesta activities tulad ng Bb. Lungsod Pageant Night, Jan. 15, 2020, City Parade at iba pa, upang maisiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan dahil sa nararamdamang patuloy na pagyanig, ash fall at posibleng paglindol sa mga susunod na araw.
Hinikayat ng dalawang opisyal ang mga taga-lungsod partikular ang mga empleyado ng city government na sa halip na maghanda para sa fiesta ay magbigay ng donasyon para sa mga apektadong mamamayan ng naturang kalamidad.Maaring dalhin ang mga donasyon sa Batangas City Evacuation Center, brgy. Bolbok. Anila higit na kailangan ang bigas, maiinom na tubig, canned goods, damit, hygiene kit at iba.
Ayon kay City Social Welfare and Development Officer (CSWDO), Mila Española, may sapat suplay ng pagkain para sa mga evacuees gayunpaman ay inatasan rin siyang maghanda ng suplay para sa dalawang buwan o higit pa.
Inatasan rin ang City Health Office na makipag-ugnayan sa mga hospitals sa lungsod upang tiyaking nakahanda ang mga ito sa pagresponde sa mga posibleng sakit na epekto ng pagputok ng bulkan. Sinabi ni City Health Officer, Dr. Rosanna Barrion na naka standby ang mga ambulance, medical team at medical equipment at may available na gamot para sa mga sakit dulot ng pagputok ng bulkan.
Naka standby rin ang mga tauhan ng Batangas City Police Station at Batangas City Bureau of Fire Protection (BFP) para sa pagresponde at para matiyak din ang katahimikan at kaayusan ng lungsod, maging ng mga evacuation centers.
Nakahanda naman ang mga government service vehicles para sa operasyon.
Magkakaroon rin ng water spray stations sa pagpasok ng brgy. Sta. Rita at Balagtas para linisin ang mga sasakyang covered ng abo upang maiwasan ang aksidente. Pinaaalalahanan ang lahat na maging maingat sa pagmamaneho lalo pa’t covered na rin ng abo ang ilang karsada sa lungsod.
Nakaantabay ang mga traffic enforcers ng Transportation Developmment Regulatory Office (TDRO) upang maisiguro ang kaligtasan sa kalye at ang maayos na daloy ng trapiko.
Magtutulong ang GSD at BFP para llinisin o tanggalin ang mga abo sa kalye sa pamamagitan ng water spray.
Nakatakda na ring itayo ang mga tents at portalets sa city track oval para magsilbing evacuation center/area sakaling magkakaroon ng malalakas na pagyanig na kakailanganin ang paglikas.
Ipinaaalala nina Mayor Dimacuha at Cong. Mariño na MANATILI NA LAMANG MUNA SA LOOB NG BAHAY lalo na ang mga senior citizens, mga bata at iba pang mahina ang resistensya para maiwasang magkasakit at gumamit ng face mask kung lalabas ng bahay.
Ganoon din ay huwag magpakalat o mag post ng maling impormasyon sa social media dahil Ito ay maaring magdulot ng kalituhan at panic sa mga mamamayan. Anila manatiling kalmado, handa at maingat at higit sa lahat ay tumulong sa mga apektadong mamamayan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.