- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Rescue and relief operations center para sa Taal evacuees itinayo
- Details
- Wednesday, 15 January 2020 - 10:46:00 AM
Nagtayo ang pamahalaang liungsod ng Batangas ng Rescue and Relief Operations Center para sa mga Taal eruption evacuees sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) Conference Room, Barangay Bolbok. Ito ay upang higit na maging maayos o sistematiko ang pagtanggap at pamamahagi ng mga donasyon sa mga evacuees sa itinalagang evacuation centers sa lungsod.
Hinihikayat ang mga magbibigay ng tulong na ideretso sa operation center ang kanilang donasyon para ito ay mai record at mabigyan ng acknowledgement receipt ang mga donors. Ito rin para matiyak na maihahatid ang angkop at sapat na tulong sa mga evacuation centers.
Itinalaga ang mga empleyado ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), at Mayor’s Action Center (MAC) para pamahalaan ang relief operations center.
Higit na kailangan ng mga evacuees ang mga canned goods, towels, mats, blankets, toiletries, sanitary napkins, baby at adult diapers, underwear at iba pang non-perishable goods.
Hindi tinatanggap ng relief operation center ang mga breast-milk substitutes, infant formula at feeding bottle alinsunod sa DOH AO 2007-0017 na pino promote ang breastfeeding para sa kalusugan ng sanggol.
Sa kasalukuyan ay tinatayang mahigit sa 6,000 ang mga evacuees sa may 17 designated evacuation centers sa lungsod. Isinisiguro ng city government ang maayos na kalagayan ng mga ito, may sapat na pagkain, suplay ng tubig, malinis na lugar at iba pa. Nagtalaga ang pamahalaang lungsod ng mga maglilinis sa mga evacuation centers at nakipag-ugnayan sa PrimeWaters para sa malakas na suplay ng tubig.
Magtatalaga na rin ang Batangas City Police Station ng children’s and women’s desk sa mga evacuation centers upang mapangalagaan ang kanilang kapakanan.
Inatasan ni Mayor Beverley Dimacuha ang mga punong barangay na ihanda ang mga barangay covered courts para sakaling kailanganing mailipat dito ang mga evacuees na nasa mga paaralan dahil sa muling pagbubukas ng klase. Dapat aniya ay may maayos na palikuran sa mga covered court. Hiniling niya sa General Services Department (GSD) at City Engineer’s Office (CEO) na tulungan ang mga barangay sa pag-aayos nito.
Tinagubilinan din ang mga punong barangay na ipaalam sa CSWDO ang bilang ng mga evacuees na nasa kanilang barangay kabilang ang mga nakikituloy sa mga kamag-anak para maibilang sa official record ng CSWDO.
May koordinasyon na rin ang City Health Office sa mga ospital sa lungsod sakaling may mga evacuees na kailangang dalhin sa mga ospital.
Pinaaalalahanan ng pamahalaang lungsod na may kakaharaping kaso ang tindahan/business establishments na mapapatunayang biglang nagtaas ng presyo ng kanilang paninda o nananamantala sa kasalukuyang sitwasyon ng lalawigan ng Batangas. PIO-Batangas City
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.