Barangay annual budget dapat may alokasyon para sa senior citizens at GAD

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Sinabihan ng Sangguniang Panlungsod (SP) ang mga pangulong nakapag sumite na ng kanilang annual budget para sa 2020 na siguraduhing may 1% budget allocation para sa mga programa o proyekto para sa mga senior citizens.

Humarap sa Committee Hearing ng SP ang ilang mga pangulo at treasurers ng barangayn upang iprisinta ang kanilang proposed budget para sa taong 2020. Nakatakda itong ireview at icheck ng konseho..

Ayon sa batas dapat na mai submit ang proposed budget bago sumapit ang October 15, Ang hindi tatalima dito ay maaaring sampahan ng kasong kriminal at administratibo.

Kasama rin sa requirements ang paglalaan ng pondo para sa Gender and Development (GAD)

Dahil sa nade delay ang pagsa submit ng certificate of full participation para sa mga required training sa GAD , iminungkahi ni Kon. Boy Dimacuha na “to follow” na lamang ang requirement na ito dahil ito naman ay nakapaloob na sa Annual Investment Plan.

Iminungkahi naman ni Kon. Nelson Chavez sa mga pangulo na sa barangay hall na lamang mag conduct ng training sa gender and development upang makabawas sa gastusin at magamit pa ang mga pondo sa mas mahalagang programa.

Layunin ng nasabing budget hearing na mas maintindihan ng mga barangay officials ang maayos na paggagawa ng annual budget at mabigyan ng kaukulang pondo tulad ng development fund, basic services and facility, health services, at calamity fund.