- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
P 3.5 M halaga ng tulong sa Taal victims iniulat ng Batangas Red Cross
- Details
- Friday, 24 January 2020 - 4:00:42 PM
Umabot na sa halagang P 3.5 milyon ang halaga ng tulong na ipinagkaloob ng Philippine Red Cross (PRC) Batangas Chapter sa mga naging biktima ng Taal Volcano mula ng pumutok ang bulkan noong ika-12 ng Enero hanggang ika-23 ng Enero.
Ang operational cost na tinaguriang WASH ( Welfare, Health, Relief and Mobilization) ay nagkakahalaga ng P 200,000, Halagang P 3.3 milyon naman ang items cost para sa 973 pamilya sa lalawigan kung saan kabilang dito ang relief goods at hot meals, water and sanitation tulad ng water tanker at portable toilets, gayundin ang instalasyon ng emergency medical units at pagbibigay ng psychosocial support. Ito ay ayon sa ulat ng director ng Disaster Management Service ng PRC na si Leonardo Ebajo sa isinagawang press conference noong ika-24 ng Enero sa Batangas Country Club.
Nauna rito, nagsagawa sila ng relief operations para sa 1,184 pamilya na nasa pitong evacuation centers sa Batangas City. Ang mga ito ay yaong nasa Batangas Sports Complex, barangay Sta Rita, Dreamzone, Bolbok, Batangas City Evacuation Center, Banaba Center at barangay Banaba West.
Ito ay nagkakahalaga ng P 4 milyon.. Kabilang dito ang mga non- food items tulad ng sleeping mats, blanket, mosquito nets, hygiene kits at jerry cans na nagkakahalaga ng P 3,400 kada kit.
Binigyang diin ni Ebajo na higit sa mandato ng batas sa kanila na 30% ng affected population ang kanilang natulungan at natugunan ang pangangailangan.
Pinuri rin niya ang ipinakitang kahandaan ng mga apektadong local government units dahilan sa walang napaulat na casualties sa kasagsagan ng naturang kalamidad.
Ayon naman kay Ronald Generoso, chapter administrator ng Red Cross Batangas Chapter, naging maagap ang pagtugon ng kanilang 39 staff sa apat na branches ng PRC sa lalawigan sa kautusan ng kanilang Chairman at CEO, Senator Richard Gordon.
Dumalo din sa press conference ang ilang myembro ng PRC Batangas Board na sina Chairman Vicente Mayo, Engr Vicente Ramos at Atty. Bernard Mayo. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.