Health Advisory

  1.jpg

Isa ngayon sa kinatatakutang sakit ang nakakahawa at nakamamatay na 2019 Novel Corona Virus na mula sa Wuhan, China. Tinatawag itong corona virus dahilan sa mga spikes o parang pako sa membranes nito na kagaya ng corona ng araw ang itsura.

Ano ang coronavirus?

Ang coronavirus ay pamilya ng mga viruses na nagdudulot ng ibat-ibang klase ng sakit mula sa karaniwang ubo at sipon hanggang sa mas malulubhang sakit.. Sa mga malubhang kaso, maaari itong maging sanhi ng pneumonia, acute respiratory syndrome, problema sa bato at pagkamatay.

Mabilis itong kumalat sa pamamagitan ng ubo, pagbahin at , paghawak sa taong infected nito. Madaling mahawa ang mga taong mahina ang immune system kagaya ng mga bata, matanda, may diabetes at respiratory diseases.

Kabilang sa sintomas ng pagkakaroon ng mataas ng lagnat, sipon, ubo, sore throat, sakit ng ulo o katawan, giniginaw, hirap huminga at mayroong lung lesions.

Ang ibang coronavirus strains ay namumuhay sa mga tao habang ang iba ay sa mga hayop kagaya ng camel, paniki at iba pang wild o farm animals.

Wala itong specific treatment at wala ring bakuna para mapigilan ito. Sa kabila nito, ang mga tinamaan ng virus ay gagamutin sa pamamagitan ng “supportive care” at “symptom management”.

Ang virus na ito ay may 14 na araw na incubation period at pwedeng tumagal ng pitong araw sa mga surfaces o mga bagay na nadapuan nito kagaya ng lamesa, door knob at iba pa.

Paano maiiwasan ang sakit na dulot ng corona virus?

1. Maghugas lagi ng kamay.
2. Takpan ang bibig kapag umuubo o bumabahin
3. Iwasan ang malapitang contact sa mga taong may sipon o sintomas ng trangkaso at hindi protektadong contact sa mga buhay na wild at farm animals.
4. Uminom ng maraming tubig at siguraduhing lutong mabuti ang mga karne at itlog,
5.. Hindi muna pagpunta sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng sakit at agarang kumonsulta sa health facility kung may sintomas ng trangkaso..
6. Gumamit ng face mask bilang proteksyon.