- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Sen. Villar nagdala ng medical at feeding mission, livelihood sa Taal evacuees
- Details
- Tuesday, 11 February 2020 - 3:50:00 PM
BATANGAS CITY- Bumisita sa Sports Complex sa Bolbok, Batangas City si Sen. Cynthia Villar dala ang medical mission at feeding outreach para sa mga natitirang Taal evacuees dito, February 11.
Siya ay sinalubong nina Cong. Marvey Mariño at Mayor Beverley Rose Dimacuha at Gov. Hermilando Mandanas.
Ayon kay Villar, nakapagpaabot na siya ng tulong sa Taal victims na nasa evacuation centers sa ibat-ibang bayan at lungsod. “Bumalik ako sa Batangas dahil may kaibigan ako na may ari ng isang pharmaceutical company, taga San Juan Manila, na wiling mag handog ng tulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng dental at medical mission. Sila rin ang nag dala ng mga gamot na ipamimigay ng libre sa mga kapos palad.,” sabi niya.
May mga kasama din siyang duktor mula sa Las Pinas General Hospital para manggamot at mag checkup sa mga may karamdaman. Naghanda naman ang kanilang foundation ng feeding mission para sa mga bata. “Sa pamamagitan ng ganitong gawain naway nakatulong kami para maibsan ang problema ang mga naapektuhan ng pag sabog ng bulkang Taal.” dagdag pa ni Villar.
Kung kailangan aniya ng livelihood sa relocation area ay handa silang tumulong at mag padala ng mga magtuturo ng kabuhayan partikular ang kanyang Committee on Agriculture and Food na pwedeng magturo ng aqua culture sa mga mangingisda.
Ang kanyang Villar Sipag Farm ay nagkakaloob ng training sa mga trainors upang magturo ng kanilang natutunan sa kanilang lugar. Pwede silang mag-aral ng agri crops, native animal farming, aqua culture, farm business school, cacao planting under the coconut tree, rice farming with mechanization at inbred rice seed production. Mayroon ding blanket weaving, paggawa ng bags at handicraft gamit ang water lilies.
Sinabi rin ni Villar na mayroon silang mobile construction school kung saan pwedeng mag-aral ang lalaki sa mason at ang babae naman ay sa painting. Pwede silang magtrabaho sa kanilang construction sites at ang starting pay ay P600 bawat araw. Mayroon silang dormitory kung saan pwedeng tumigil sa buong linggo ang worker at pwedeng umuwi kung weekend. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.