- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City tumanggap ng water tender- fire truck mula sa BFP
- Details
- Wednesday, 12 February 2020 - 11:02:00 AM
Kabilang ang Batangas City sa 74 na local government units (LGUs) na tumanggap ng mga fire trucks mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) kung saan pinagunahan ni President Rodrigo Duterte ang turn-over ceremony, February 11, sa Lapu-lapu Grandstand, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.
Tinanggap nina dating Konsehal at ngayon ay Executive Assistant Armando Lazarte, na kumatawan kay Mayor Beverley Dimacuha, at Batangas City BFP F/CInsp Elaine Evangelista ang 2,500 gallon-water tender fire truck mula kina Dept. of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, BFP Chief Jose Embang Jr at iba pang opisyales.
Ayon kay F/CInsp Evangelista, malaking tulong ang fire truck na ito para sa tiyak at sapat na suplay ng tubig para tuluyang mapuksa ang apoy. Ito rin ay back up para sa dalawang maliliit na fire trucks na siyang ginagamit sa mga insidente ng sunog sa maliliit na eskinita at panghalili rin sa mga lumang fire trucks.
Sasailalim sa dalawang araw ng training sa pagmamaneho at paggamit ng mga equipment ng truck ang mga tauhan ng BFP.
Pinaalalahanan ni Pangulong Duterte ang lahat ng drivers ng emergency vehicles na magmaneho sa normal speed at gamitin na lamang ang sirena para maiwasan ang aksidente. “All you do is to switch on the siren para malamang nagmamadali.” Ikinuwento niya ang isang pangyayari sa Davao kung saan nakaaksidente ng estudyante ang fire truck driver sa pagmamadali sa pag responde.
Pinasalamatan naman ni BFP Chief Embang Jr. ang pangulo sa suporta nito sa modernisasyon ng ahensya. Ipinamahagi ng BFP sa okasyong ito ang 51 units ng 1,000 gallon- fire trucks, 20 units ng 2,500 gallon- water tender, at tatlong rescue trucks.
Ayon sa tala ng BFP, may fire trucks na ang 145 cities sa bansa, 287 na lamang sa 1,487 municipalities ang wala pang fire trucks . Sa kabuuan ay may 2,848 fire trucks kung saan 2,358 ay mula sa BFP at 490 naman ang pag-aari ng mga LGUs.
Ayon kay BFP Chief Embang Jr., kukumpletuhin ng BFP ang mga LGUs na may fire truck sa darating na taon upang mapaayos ang fire-fighting capability ng mga ito at maseguro ang kaligtasan laban sa sunog. Pinalalakas din ng BFP sa tulong ng mga LGUs ang enforcement ng bagong Implementing Rules and Regulations ng Fire Code of the Philippines lalo na sa koleksyon ng Fire Code fees. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.