- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City walang kaso ng African swine fever
- Details
- Tuesday, 03 March 2020 - 11:19:00 AM
Pinabulaanan ng hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services ( OCVAS) na si Dr Macario Hornilla ang kumalat na balita na may kaso ng African swine fever (Asf)) sa Batangas City.
“Walang dapat ikabahala ang mga mamamayan dahil hindi apektado ang lungsod ng epidemyang ito, fake news po yun,” sabi ni Dr. Hornilla..
Binigyang diin niya na hindi lock down ang kanilang isinagawa sa barangay Sorosoro Ibaba at karatig barangay sa loob ng dalawang linggo. Ito aniya ay surveillance, movement at border control na isang paraan upang makontrol ang pagpasok at paglabas ng mga baboy.
Ito ay isinasagawa sa mga instances na may “alleged” na infected na mga baboy o kung saan under investigation ang lugar.
Alinsunod ito sa mahigpit na ipinatutupad ng Department of Agriculture na ‘1-7-10 protocol’ para mapigilan ang pagkalat ng ASF sa bansa.
Sa ilalim ng 1-7-10 protocol, kailangang magtalga ng quarantine check points sa loob ng 1 kilometer- radius ng mga apektadong lugar. Sa loob naman ng 7 kilometer- radius ay kailangang magsagawa ng surveilance ang mga awtoridad at limitado lamang ang galaw ng mga hayop. Kailangan namang magreport sa Dept. of Agriculture ang mga may ari ng babuyan sa loob ng 10- kilometer radius.
Sinabi ni Dr. Hornilla na negatibo ang resuta ng lahat ng test na isinagawa ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa mga nagkasakit na baboy.
Tuloy tuloy pa din ang isinasagawa nilang checkpoints sa mga nagbyabyahe ng baboy palabas at papasok ng Batangas lalo na at nagpositibo sa Asf ng ilang baboy sa bayan ng Laurel sa lalawigan.
Ayon pa din kay Dr Hornilla wala pa ding gamot o bakuna para sa Asf na dala ng isang virus at nagmula sa Africa kung kayat tinagubilinan niya ang lahat na maging maingat lalo na yaong mga byahero.
Upang maiwasan ito, ipinapayong sundin ang strict biosecurity kung saan kailangang panatilihin ang kalinisan sa lugar at palagiang idisinfect ang kulungan ng mga baboy, ang sasakyan at mga kagamitan. Namimigay aniya ang kanilang tanggpan ng mga disinfectant.
Kabilang sa mga preventive measures na kanilang ginagawa ay ang pagpunta sa mga barangay upang magbigay ng lecture hinggil sa Asf sa mga livestock raisers.
Ipinagbabawal din ang swill feeding, o pagpapakain sa mga baboy ng tirang pagkain dahil maaari aniyang may karne dito na infected ng virus.
Hiniling ni Dr. Hornilla na agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling magkasakit ang kanilang mga alagang baboy. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.