- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Bagong programa para sa kaligtasan ng komunidad sa sunog ipinatutupad
- Details
- Wednesday, 04 March 2020 - 11:19:00 AM
Itinataguyod ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Batangas City ang bago nitong programa na isang community-based undertaking kung saan kapartner nito ang business and industry sector at ang mga barangay upang mapalawak ang kampanya para sa isang ligtas sa sunog na pamayanan.
Ang programang ito ay tinatawag na ALERT-OPLAN Ligtas na Pamayanan kung saan nag-aadopt ng barangay ang isang business establishment o industriya para sa pagpapatupad ng mga hakbang na naglalayong magkaroon ng malawak na kaalaman ang mga tao kung papaano maiiwasan ang sunog at kung ano ang mga dapat gawin sakaling mangyari ito.
Kaugnay nito, naging bahagi ng Fire Prevention Month 2020 kick off ceremony ng BFP ang Memorandum of Agreement (MOA) signing ng First Gen at ng adopted barangay ng Bolbok, Sta. Rita Karsada at Sta. Rita Aplaya para sa nasabing programa ngayong Miyekules, March 4.
Lumagda sa MOA sina Batangas City Fire Marshall, F/CInsp Ellaine Evangelista, First Gen Vice President for External Affairs and Security Ramon Araneta at Barangay Captains Boyet Ocampo ng Bolbok, Marciano Ilagan ng Sta. Rita Karsada at Edgar Aguillera ng Sta. Rita Aplaya.
Naipatupad na ang programang ito sa Alangilan, Calicanto, at Libjo na adopted barangay ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation at tinatapos na lamang ng mga barangay na ito ang kanilang Fire Protection Plan at simulation exercises.
Sa ilalim ng programa ay nagsasagawa ang BFP personnel ng orientation/ briefing, mga lectures at fire hazard assessment sa pamamagitan ng house to house survey sa barangay at tinutulungan ang mga ito na makapagbuo ng community fire protection plan. Sa pagtatapos ng training seminar ay mayroon ding simulation exercises.
Hinihikayat ni F/Insp Evangelista ang iba pang business establishments na suportahan ang programa sa pamamagitan ng pakikipagtuwang sa mga barangay.
Nananawagan din siya sa publiko na isabuhay ang tema ng Fire Prevention Month 2020, “Matuto Ka, Sunog ay Iwasan Na”. Kailangan aniya ay maging maingat at iwasan ang mga maaring maging sanhi ng sunog. Kabilang dito ang pagsusunog ng basura, na siyang may pinakamataas na dahilan ng grass fire sa lungsod. Noong nakaraang taon ay may naitalang mahigit 20 grass fires ang BFP. Sa pagpasok pa lamang ng buwan ng Marso ngayong taong ito ay may limang insidente na ng grass fire sa lungsod. (mvlualhati-PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.